MUTYA NG MASA, BALIK TRABAHO NA MATAPOS ANG OPERASYON

MUTYA NG MASA, BALIK TRABAHO NA MATAPOS ANG OPERASYON

Walang pagsubok na binibigay sa atin na ‘di natin kayang lagpasan. Kahit gaano pa ito ka tindi o hirap, makakaya natin ito dahil, hindi naman sa atin ibibigay ito kung hindi natin kaya.

Mahirap magpatuloy sa araw-araw, mahirap mabuhay, ngunit mas pinipili parin nating tignan ang liwanag ng buhay at mag patuloy muling harapin ang kinabukasang walang kasiguraduhan.

Pebrero noong ibalita na ang mutya ng masa na si Doris Bigornia ay inoperahan sa puso.

Ayon din sa mamahayag, siya daw ay may regular na dialysis dahil sa kidney failure, at ibinahagi din nito na siya ay mayroon ding diabetes.

Courtesy; Abscbn news facebook

Maraming nalungkot sa balitang ito dahil, sino ba naman ang mag-aakalang mangyayari ito sa kanya dahil ang lakas niyang tignan sa telebisyon.

Si Doris ay nagpahinga muna sa trabaho ng halos tatlong buwan at ngayon siya ay balik trabaho na.

“Work from home na ako. Kailangan ko ng maghanap ng storya. Pero, at least, officially, babalik na akó tomorrow,” – Doris Bigornia

Courtesy; Abscbn news facebook

Ang buhay ay puno ng pagsubok, halos araw-araw tayo ay mayhinaharap na pagsubok, paghihirap, pagdurusa.

Normal na lamang sa atin ang masaktan, umiyak, madapa at normal din na pagkatapos nito, tayo ay babangon at magsisimulang lumaban muli.

Lahat ng pagsubok ay mayroon ding hangganan, ito ay malalagpasan natin.

Tulad ni Doris, kahit gaano man ka tindi o grabe ang pinagdaanan, dapat palaging piliin na lumaban at magpatuloy.

Courtesy; Abscbn news facebook

Magpatuloy na lumaban sa buhay at huwag sumuko dahil ay mga taong umaasa sa atin, may mga taong nagmamahal sa atin, at may mga taong hindi kaya na mawala tayo sa kanila.

Huwag mawalan ng pag-asa dahil mayroong mga taong nagmamahal at Diyos na gumagabay sa atin.