Viral ang isang lalaki dahil sa gitna ng bagyo ay patuloy pa rin itong naghahanap-buhay

Viral ang isang lalaki dahil sa gitna ng bagyo ay patuloy pa rin itong naghahanap-buhay

Mula sa post ng netizen na si Rosemarie Almontero ay maraming naantig sa ibinahagi niyang larawan. 

Minsan isang gabi ay naghahanap ng pang midnight snack si Rosemarie, nang mapansin nga niya ang isang lalaki na sa gitna ng bagyo ay patuloy pa rin ito sa paglalako ng balot at iba pang paninda. . Nakabalot pa ng plastik ang mga paninda upang kahit paano ay proteksyon sa ulan. 

📸 Rosemarie Almontero

Nahabag si Rosemarie kaya naman ay napabili na siya sa paninda nito. Nakilala niya si Fernando Herardo, 38 anyos. Kasama nito ang mga magulang sa bahay. At kumikita lamang siya ng 200 hanggang 300 daan simula 5pm hanggang 2am na pagtitinda. Maraming netizen naman ang nakibahagi ng kanilang kwento sa mga magbabalot. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens. 

📸 Rosemarie Almontero

@JoAn: “May ganito rin nagbabalot na dumadaan sa bahay lagi namin sinasabi habang bumibili na makakaahon din tayong lahat. Umabot din kasing nagtinda si Papa ng balot/penoy maitawid lang pang-araw-araw noon kaya alam ko din magkano lang ang tubo ng pagtitinda niyan, 50-100 isang gabi, aangkatin mo pa iyan sa may-ari, suwerte ang 200 at bihirang-bihira, mahirap kapag umuulan walang tao sa daan. Ngayon nasa mabuting kalagayan na kami magkakapatid. Kapit lang ‘tay at matinding dasal. Looking forward ka laging makakaahon din tayong lahat sa hirap.”

@Ivy: “Whenever I see people on streets working hard for a living I utter a little prayer for them.

“Gabayan niyo po sila, kaming mga nagsisikap sa buhay– para sa pamilya. Wag niyo po kaming pababayan.”

I am hoping and praying na dumating ang araw na di lang dasal ang mapagkakaloob ko sa kanila.”

📸 Rosemarie Almontero

Sa kabila ng sitwasyon ni Fernando ay nakakapagbigay siya ng inspirasyon sa atin. Matuto tayong magsumikap at huwag umasa sa iba. Kahit isa siyang PWD ay hindi iyon naging hadlang na magtrabaho. Mahirap man ngunit iyan ang realidad ng buhay.