Isang Lolo naging matagumpay sa online selling

Isang Lolo naging matagumpay sa online selling


Mula sa Angeles City, Pampanga ay may kinagigiliwan ang mga taga roon. Isang matandang nasa 73 taong gulang na. Kilala siya dahil sa mahigit isang dekada na ng pagtitinda ng candy. Dahil nga dito ay nabansagan siya bilang si Lolo Pops. Kong dati ay nalibot na niya halos lahat ng paaralan sa Maynila dahil umabot din siya dito sa paglalako ng lollipop at nakapwesto sa isang kalye sa Muñoz, Quezon City. 

Screencap KBYN/youtube channel

Ang pagtitinda rin niya ang nagsilbing pangtustos sa araw-araw lalo na sa pag-aalaga sa asawa na na stroke noong 2011. Kayod kalabaw ikanga itong si Lolo Pops na ang tunay na pangalan ay Angelito Gino-gino. Simula umaga ang kanyang pagtitinda at kahit abutin man siya ng gabi ay hindi siya umuuwi habang may paninda pa. Sa edad niyang ito ay ayaw niyang umasa sa mga anak dahil mayroon din naman itong kanya-kanyang responsibilidad sa kani-kanilang pamilya. Kahit papano ay nakakaraos naman si Lolo Pops. 

Ngunit nang dumating ang pandemya ay nabago ang lahat. Nahinto sa pagtitinda si Lolo Pops dahil nagsara na din ang pinagkukunan niya ng supply at bawal lumabas lalo na nag senior citizen na kagaya niya. Subalit tila hindi hinayaan ng Panginoon si Lolo Pops dahil nakita ng dati niyang suki ang post ng netizen tungkol sa kanya. Hinanap siya ng kanyang suki at tinulungan upang maipagpapatuloy ang kanyang mumunting negosyo. Ginawan siya ng online store account kung saan maibebenta na niya ang mga produkto kahit saan man sa bansa. Sa katunayan ay umabot na sa mahigit 100k ang followers ni Lolo Pops sa online store. 

Screencap KBYN/youtube channel

Sa tulong ng kanyang anak sinimulan nila ang online business sa pagbebenta ng pastillas at pulburon. Aminado si Lolo Pops na medyo hirap siya dahil hindi ganun kalawak ang alam niya sa gadget at social media. Gayunpaman, ang bagong negosyo ang lumago at lumawak. Nagdagdag na rin siya ng ibang produkto gaya ng spicy bagoong. At sa hindi inaasahan ng matanda ay nakapagpatayo na siya ng tatlong palapag na bahay. Ang dating tagpi-tagpi at gawa sa yero na tirahan ay naging maayos na ngayon. 

Screencap KBYN/youtube channel

Ayon nga kay Lolo Pops ang diskarte sa pagtitinda ay dapat lagi kang nakangiti kung saan din siya naging kilala. Samantala, patuloy pa rin sa paglalako si Lolo Pops dahil para sa kanya hanggang may lakas pa siya ay magsisilbi siya sa kanyang mga suki na nagpapaligaya rin naman sa kanya.