Tindera noon, Pulis na ngayon

Tindera noon, Pulis na ngayon

Isang natatangi at kahanga-hanga ang kwento ng isang babae na nagmula sa Leyte. Isa siya sa mga naging biktima ng Yolanda. Nagtungo siya sa Bohol upang mag-aral sa BIT International College. At nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Criminology. 

📸 Aileen Riza Campo

Siya si Aileen Riza S. Campo, pinatunayan niya na hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang pangarap sa buhay. Mula sa probinsiya ng Leyte na isa sa hinagupit ng bagyong yolando noong 2013. Marami aang namatay at nawalan ng hanap-buhay. Subalit marami rin ang nakabangon at hindi nawalan ng pag-asa. Nagtitinda siya ng pagkain mismo sa kanyang paaralan mula junior hanggang senior high school ay nililibot niya iyon. Matapos ng pagtitinda ay pumapasok na siya sa kanyang klase. Dahil sa kanyang gawain ay alas onse na ng gabi siya nakakatulog at gigising naman ng alas tres ng madaling araw upang maghanda ng ibebenta pagsapit ng umaga. 

📸 Aileen Riza Campo

Pagkatapos ng kanyang klase ay namamalengke naman siya para ihanda sa pagtitinda kinabukasan. Araw-araw na pagsisikap iyon upang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral. Kung iisipin nakakapagod ang ganap sa buhay ni Aileen. Sa pag-aaral ay utak ang gagamitin at sa pagtitinda ay pisikal naman na lakas. Isang babae ngunit kinaya niya lahat ang mga ito. Dumaan man sa ganoong sitwasyon si Aileen ay nagbunga naman ito ng maganda. Ngayon ay nakapagtapos na siya ng criminology at uumpisahan naman niya ang panibagong hamon sa buhay ngunit hindi na ito magiging kagaya sa naranasan niya. 

📸 Aileen Riza Campo

Isang magandang ehemplo sa atin lalong-lalo na sa mga kabataan ang kwento ni Aileen. Sa hamon ng buhay ay hindi nagpatinag ang dalagang ito na makamtan ang minimithi. Kung kaya ni Aileen ay kaya rin natin. Isa itong paala-ala sa atin na walang magandang maidudulot ang katamaran at hiya sa pagsusumikap. Sa katunayan, marangal at kahanga-hanga ang ginawa ni Aileen para sa kanyang kinabukasan.