Jane de Leon inspirasyon ang pamilya sa likod ng pagiging Darna

Jane de Leon inspirasyon ang pamilya sa likod ng pagiging Darna

Marami sa atin ang hindi pa talaga kilala ang babae sa katauhan ni Darna. Nakaka-inspire pala talaga ang kwento ng buhay ng isang Jane Florence Benitez de Leon. Ipinanganak na may maayos na pamilya at pamumuhay ngunit umabot ang panahon na nalugmok at naghirap. Subalit muling bumangon bitbit ang karanasan ng kahapon. 

📸 MyDramaList

Dumaan sa hirap at kahit ang pagdildil ng asin at gawing ulam ang toyo at mantika ay naranasan ng pamilya ni Jane. Nang maloko ang ama niya ng mismong bestfriend nito ay gumuho ang buhay ng pamilya. Na depressed ang ama at naghirap na sila. Nawala sa kanila halos lahat. Tanging ang ina na lamang ang nagtatrabaho upang maigapang ang pamilya sa kahirapan. Kaya naman nangarap itong si Jane ng magandang buhay at pinasok ang showbiz. Nag-umpisa sa mga commercial at modelling upang maipagpatuloy muna ang pag-aaral. Kahit ayaw ng kanyang ama ay ipinilit pa rin ni Jane kasama ang ina na magpunta sa mga audition na kalimitan naman ay hindi siya nabibigyan ng oportunidad. 

📸 ABS-CBN News

Hanggang sa unti-unting pinasok na ni Jane ang industriya. Nagkaroon naman siya ng iilang proyekto sa Kapamilya Network noon. Gaya ng seryeng Halik. Naging miyembro din siya ng Girl Trends sa It’s Showtime. Gayunpaman ay hindi biro ang naranasan ni Jane. Kung saan sa dressing room ng ABS-CBN sila natutulog ng ina niya. Umiidlip sa mga convenience store at kahit sa gilid ng MRT station. Nangungutang ng pamasahe makapunta lang ng trabaho mula Laguna. 

📸 Metro.Style

Hanggang sa dumating ang panahon na lumisan na nga ang ama ni Jane. Pag-aamin ng actress na hindi siya umiyak nang namatay ang ama niya upang mapanatiling maging malakas para sa pamilya. Labis ang panghihinayang ni Jane dahil hindi na siya makabawi sa kabutihan ng kanyang ama sa kanila. Pinangarap pala ni Jane na mabigyan ng magandang bahay ang ama at sasakyan. Subalit hindi na niya ito magagawa ngayon. Kaya naman sa ina na lamang siya babawi. 

📸 Metroscene Mag

Masakit bilang anak na kong kailan ka nagkaroon ng kakayanan na iparanas sa ama mo ang kaginhawaan sa buhay ay tsaka naman ito nawala na sa piling mo. Inspirasyon ni Jane ang pamilya at ang naranasang kahirapan upang maging mabuting tao at patuloy na lalaban sa buhay.