Ang tagumpay mula sa tinapay

Ang tagumpay mula sa tinapay

May apat na bakery branch sa Cebu, tatlumpo naman sa Ormoc at mayroon pang animnapu’t dalawang branch ng fried chicken business at labindalawang branch ng lechon manok. Ito ngayon ang negosyo ng isang lalaki na dumanas ng kahirapan bago magtagumpay. 

Screencap from Rated K/youtube 

Mula sa Ormoc, Leyte hindi makalimutan ni Eric John Tolo noong labing isang taon pa lamang siya ng namatay ang kanilang ina. Naghirap sa buhay halos wala ng makain at lagi pang napuputulan ng kuryente dahil na rin sa pagkalulong ng ama sa sabong. At sa murang edad ay gumigising na ng madaling araw si Eric upang maglako ng pandesal para may pangtustos sa pag-aaral. Sa tulong ng tiyahin ay nakapagtapos siya ng high school ngunit hindi na kinaya ang pang kolehiyo. 

Screencap from Rated K/youtube

Nagpunta ng Cebu si Eric upang mamasukan. Doon naging dishwasher siya at nagbebenta ng kalan sa isang appliance center. Sa panahon na iyon ay nakilala naman niya ang cashier doon at napangasawa. Subalit muling hinamon ng buhay si Eric, nahihirapan sa buhay lalo pa ang panggatas ng anak. Kaya naman nag-isip siya ng paraan. Iniisa-isa niya ang mga naging customer ng kalan at nangumisyon sa pagsusuplay ng lpg. At sa ganoong gawain niya naging kaibigan ang bakery owner at tinuruan siya na gumawa ng tinapay. 

Screencap from Rated K/youtube

Hindi naglaon ay sinubok niya na magkaroon ng sariling bakery at hindi naman siya nabigo. Umabot sa apat na branch ang bakery niya. Simula na ng kanyang tagumpay ngunit naiisip niya kung ano na kaya ang buhay ng mga kapatid sa Ormoc, kaya naman bumalik siya sa probinsiya at nakapagpatayo ng 30 branch ng bakery. Nanganak pa ang negosyo niya at nagkaroon pa ng lechon manok at fries chicken business. 

Screencap from Rated K/youtube

Hindi lang mga kapatid kundi pati mga kababayan niya ay nabigyan  ng trabaho. Ayon kay Eric hindi sapat na sikap at tiyaga kundi dapat haluan mo ng diskarte. Kaya naman ang dating naglalako ng pandesal ay mayaman na ngayon.