Kris Aquino patungo na sa chemotherapy

Kris Aquino patungo na sa chemotherapy

Ilang buwan na rin ang pananahimik ng Queen of all Media na si Kris Aquino tungkol sa kanyang tunay na kalagayan. Nariyan din ang samu’t-saring intriga na naglabasan. Tulad ng iba ang nangyayari sa mga sinasabi ni Kris noon na time is my enemy na ang interpretasyon ng karamihan ay dapat ng madaliin ang pagpapagamot sa kanya. Babad pa rin daw sa online shopping at social media ang actress- tv host kung saan kahit pinagbabawalan na ng doctor ay patuloy pa rin. At ang huli ay may nagduda na sa kung totoo ba’ng may sakit ang isang Kris Aquino. 

Photo credit The Manila Times

Kilalang bukas ang buhay ni Kris sa publiko simula noon pa man. At dahil diyan ay maraming humanga sa pagiging totoo ng actress. Subalit kaakibat rin nito ay ang mga hindi daw magagandang gawain ni Kris. Masyado daw itong maarte kaya walang lalaking tumatagal. Kapag may natipuhan ay siya daw talaga ang gumagawa ng paraan upang makuha ang gusto. 

Photo credit Showbiz Chika

Gayunpaman, sa huling Instagram post ni Kris ay pinaalam niya sa madla ang susunod na proseso sa kanyang gamutan. Ipinaalam din niya ang mga paghihirap na dinaranas tulad ng pananakit ng mga spine at sa mga buto sa kamay at paa. Na nag-umpisa pa noong Pebrero 2022. May paglilinaw din siya sa panayam ng kapatid niyang si Ballsy na umabot na raw sa apat hanggang panlimang uri ng allergy ang nararanasan niya. Tinukoy din ni Kris na sa mga susunod na araw ay sasailalim na siya sa chemotherapy ngunit muli niyang sinabi na wala siyang cancer. 

Photo credit The Manila Times 

Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Kris sa mga taong nagdadasal para sa kanyang paggaling at ang lakas na pinagkunan niya mula sa kanyang dalawang anak. Batid ngayon ang pagka-positibo sa post ng actress kumpara sa mga nakaraang post nito. At pansin din sa huling larawan nito na tila nadagdagan na ng timbang ang actress.