Viral na naman ang instagram post ng komedyanteng si Dennis Padilla. Kung saan binati niya ng happy birthday ang kaibigang action star na si Cesar Montano. Subalit tila may halong pagkainggit ang hanas ni Dennis. Dahil nasa mga larawan na kompleto ang siyam na anak ni Cesar sa kanyang kaarawan. “Pray ko sana sa birthday ko…” hindi itinuloy ni Dennis kung anuman ang karugtong ng post niya.
Instagram
Umani naman ito ng positibo at negatibong reaksyon ng netizens. Masalimoot kasi ang sitwasyon ni Dennis at sa mga anak niya kay Marjorie Barretto. Maraming taon na rin ang nakalipas ng naghiwalay sina Marjorie at Dennis. At isa sa sinasabing dahilan nito ay ang kasal na pala si Dennis sa isang non-showbiz bago pa man sila ikinasal ni Marjorie.
Mas lalo pang gumulo noong nagpost ang anak na lalaki ni Dennis na naglabas ng saloobin sa ama. Nagsalita naman si Marjorie na sa takdang panahon isasambulat daw niya ang lahat. Samantala ay nagkaroon naman ng relasyon sa isang politician itong si Marjorie at nagka-anak rin.
Sa ngayon ay wala pang komento ang Barreto sisters sa mga pangyayari. Tanging si Dennis lamang ang panay post at paminsan-minsan ay sinasagot ng mga anak. Sinasabi ng ilan na bakit panay post si Dennis kaya naman nagkakagulo lalo ang sitwasyon. Mapapansin nga naman na bawat post ni Dennis Padilla ay nagiging trending sa social media. May mga sumusuporta naman kay Dennis tulad ng kaibigan niyang si Janno Gibbs.
Noong nakaraang taon ay inakala ng lahat na naging maayos na dahil sa pakikipagbati ni Julia Barretto sa kanyang ama. Ngunit lumalabas na nagbabait-baitan lang pala si Julia sa mata ng mga tao dahil sa promotion sa pelikula nila ni Gerald Anderson. Sa ngayon ay wala pa naman ni isa sa mga anak ni Dennis ang nagkomento sa post niya.