Prima Contravida ; Cherie Gil pumanaw sa edad na 59

Prima Contravida ; Cherie Gil pumanaw sa edad na 59

“You’re nothing but a second rate, trying hard copycat!!!” 

Iyan ang pamosong linya ni Cherie Gil sa 1985 movie na Bituing Walang Ningning. Tinaguriang prima contravida ng Philippine cinema dahil sa makatotohanang pagganap nito bilang kontrabida sa telebisyon at pelikula. Nagmula sa pamilyang Eigenmann kung saan sila ay isang clan na sa showbiz. 

📸 Manila Bulletin

Nitong August 5, 2022 bandang 5:30 ng hapon ay binawian na ng buhay ang magaling na actress. Matagal na rin siyang nanirahan sa New York habang nilalabanan ang sakit na brain cancer. Namatay ang actress sa isang hospital sa New York. Kahit matagal na pala ang sakit nito ay kamakailan lamang daw ito nagpa-ospital at doon na nga binawian ng buhay. 

Philippine Star

📸 Philippine Star

Wala pang opisyal na pahayag ang pamilya ngunit sa instagram post ng kanyang pamangkin na si Sid Lucero ay namaalam na nga ito. Sa edad na 59 ay halos ginugol ng actress ang kanyang buhay sa karera ng showbiz. Kaya malaking kawalan ito sa industriya. Award-winning at isa sa pinakakilalang kontrabida sa pinilakang-tabing. 

Philippine News

📸 Philippine News

Muling nagluluksa ang showbiz industry sa isa na namang kasamahan na pumanaw. Huling napanood sa telebisyon si Cherie sa Legal Wives ng GMA Network noong 2021. At sa pelikula noong 2019 na Tia Madre. Sa kabila ng kilalang kontrabida ay may mga ibang pagganap din naman si Cherie gaya ng Pieta noong 2008 ng Kapamilya Network. Naging kontrobersyal din siya bilang hurado ng It’s Showtime

Manila Bulletin

📸 Manila Bulletin

Kahit na may sakit ay matatandaan na nagkaroon pa ng photo shoot ang actress sa isang magazine at hindi ikinahiya ang pagpost niya na walang buhok. Maraming nanghihinayang dahil hindi pa naman katandaan ang actress at tiyak marami pa sana itong magagawang pagganap sa telebisyon, pelikula at sa teatro. Sinasabing mataas daw ang standard ni Cherie Gil sa mga nakaka-eksena niya. At kapag ayaw nito sa tao ay harapan daw niya itong sinasabi. Gayunpaman, rest in peace. At muling nabawasan ang isa sa may pinakamalaking kontribusyon sa Philippine showbiz. Paalam Ms. Cherie Gil. May 12, 1963-August 5, 2022.