Isang guro hindi sumuko kahit 25 beses nang sumubok sa bar exam

Isang guro hindi sumuko kahit 25 beses nang sumubok sa bar exam

“Sinasabi nila matanda ka na, ‘di ka pa pumapasa. Ano ba ‘yan, maputi na ang buhok mo, ‘di ka pa rin nakapasa,”

 – Teacher Gennie.

Try and try until you succeed, ito marahil ang masasabi natin kapag tayo ay may inaasam na makamit sa buhay. Tibay ng loob, tiwala sa sarili, dasal at hindi pagsuko. Iyan ang mga katangian upang maabot ang pangarap natin sa buhay. 

Isang pambihirang determinasyon ang pinairal ng guro na si teacher Gennie Victoria Panguelo na isang aeta makamit lamang ang inaasam na bar exam. Inabot muna ng labin-limang beses bago nakapasa sa LET bar exam si teacher Gennie. 

📸 thedailysentry.net 

Noong 1987 nagtapos ng education si Panguelo. Nakapagturo din siya sa kapwa niya aeta. Dahil sa hindi pa naman estrikto ang pamahalaan noon sa mga magtuturo. Hanggang sa naging requirements na ng gobyerno ang pagkakaroon ng lisensya sa pamamagitan ng LET bar exam. Kaya naman noong 1990 ay kumuha na siya ng pagsusulit ngunit hindi pumasa. Hanggang sa noong 2016 ay nakapasa na rin siya sa wakas. 

📸 thedailysentry.net 

Umabot man ng labin-limang taon ay hindi nagpatinag ang guro at ngayon ay lisensyado na rin siya. Sa katunayan, sa kasalukuyan ay nag-aaral siya para sa doctoral degree. At nagtuturo din siya para sa mga aeta sa Tarukan Elementary School Tarlac. 

Heto naman ang payo niya sa kapwa guro na nag-nais makapasa ng exams. 

“Sa mga kabataan na tulad kong naghangad na maging titulado, huwag po kayong manghinayang. Kapag bumagsak, bumangon ulit. Kasi hindi lang nakukuha sa isang pagkakataon, kailangan natin ng tunay sa loob, sinseridad, at pagtitiyaga. “

  Doc Willie Ong/facebook

Pinatunayan ni teacher Gennie ang tibay ng pinoy sa kahit anong larangan at pagsubok sa buhay. Kung tutuusin napakahabang panahon ang tiniis ng guro mapakapasa lang sa exam. Masasabing napakatibay ng loob ng gurong ito. Isang magandang halimbawa rin sa kapwa niya ang pagpapatuloy sa pangarap kahit abutin man ito ng siyam-siyam.