Jake Zyrus walang paramdam sa kanyang Ina na nangangailangan ng tulong

Jake Zyrus walang paramdam sa kanyang Ina na nangangailangan ng tulong

“Kulang pa ang pera ko na pang-cremate, tas heto na naman sumunod ang kuya ko.” – mommy Raquel

Nitong Abril 3, 2022 ay nabalitang pumanaw na si Tess Relucio, lola ni Charice Pempengco o mas kilala bilang Jake Zyrus.

Sa pagkakataong ito ay humingi ng tulong ang mommy niya na si Raquel para panggastos sa burol ng yumao.

Subalit matapos ang tatlong araw ay naaksidente naman sa motor ang tiyuhin ni Jake na si Robert Relucio at nasawi ito. Ayon pa kay mommy Raquel na ang kapatid niyang si Robert ang nag-aalaga sa kanilang ina na si Tess. 

Source: rmn.ph

Patong-patong na nga ang pasanin ni mommy Raquel sa magkasunod na pangyayari. Dagdag pa ang kakulangan sa salapi na panggastos. Ibinahagi ni mommy Raquel na hanggang sa ngayon ay walang paramdam ang international singer ukol sa pangyayari. 

Inamin ni mommy Raquel na labis siyang nangangailangan ng tulong pinansyal sa dalawang magkasunod na pamilyang pumanaw. Kaya naman ay umaasa pa rin siya na tumugon na si Jake sa kanyang hinihinging tulong. 

Source: talentrecap.com

Naging viral nga ang post ni Jake nitong nakaraang buwan na animo’y tunay na lalaki na ang hitsura. Matatandaan na ang finalist ng isang kompetisyon ay umagaw-pansin sa hollywood dahil sa natatangi nitong talento sa pag-awit.

Nagtagumpay at naging matunog si Jake sa hollywood bilang Charice ngunit ginulat ang mundo dahil sa kanyang pag-amin sa tunay niyang kasarian. 

Hanggang sa tuluyan na nga itong nagpalit ng anyo at pangalan bilang Jake Zyrus. Marami ang tumuligsa pero marami rin ang humanga.

Ngunit ang tanong ngayon ng madla ay kong bakit hanggang sa ngayon ay walang paramdam ang singer sa kanyang ina. Subalit kong ano man ang dahilan ni Jake ay wala pang nakakaalam. Kaya huwag sana maging mapanghusga agad. 

Source: billboard.com

Ang mawalan ng kapamilya ay hindi birong karanasan sa buhay. Alam naman natin na darating talaga ang sandaling ito ngunit labis pa rin ang sakit dulot nito. Masama ang loob at dagdag pa ang sakit sa ulo kapag wala tayong budget para maging maayos ang paglisan ng ating mahal sa buhay.