Yolanda survivor nagwagi ng 20 milyon pesos

Yolanda survivor nagwagi ng 20 milyon pesos


“When I look at my attempts folder, I see myself as someone who’s not afraid of failure and someone who is going into things, entering into things with the intent to grow, not to win,”
– Hillary

Muli na naman pinatunayan na kahit sa anong larangan ay may panlaban ang mga pilipino. At hindi tayo nagpapahuli at nanatiling competitive pagdating sa mga competition. 

Source: vice.com


Sa trahedyang pinagdaanan ni Hillary Diane Andales dahil sa bagyong Yolanda noong 2013 ay isa ito sa naging inspirasyon upang magtagumpay sa pagsubok ang grade 12 student. Ayon sa dalaga na sa steel trusses ng ceiling na lang daw sila kumapit ng pitong oras hanggang sa humupa na ang bagyo. 

Source: wethepvblic.com

Mula sa Tacloban, Leyte dinala ni Hillary ang bansa sa isang international science competition na Breakthrough Junior Challenge. Tinalo niya ang 11,000 entries mula sa 178 countries na sumali sa patimpalak. Nakamit niya ang grand prize na 20 million pesos kasama na dito ang reward ng kanyang guro, paaralan at scholarship. Nagwagi ang kanyang proyekto na Relativity and the Equivalence of Reference Frames. Ipinakita niya ang theory of relativity sa simpleng paraan gamit ang cellphone at pickup truck. Layunin ng parangal na ito ang maipaliwanag ang layman’s term o ng simple ang mga komplikado at mahirap intindihin sa larangan ng science. 

Source: medium.com

Hindi rin naging madali ang karanasan niya sa patimpalak at ang naging tingin niya sa oras ay pera. 

“If I don’t think about my time as money, I spend it mindlessly. Hindi ko siya iniisip na valuable siya when in fact it is a limited resource,” aniya. 

Noong bata pa daw siya ay imbes na fairytales ang kinukwento ng mga magulang niya ay puro science trivia ang ibinabahagi nito sa kanya. Kaya naman ay naging interesado siya sa science noon pa man.