Robinsons mall sa likod ng tagumpay

Robinsons mall sa likod ng tagumpay

Unang naitayo ang pinaka-unang Robinsons mall ay sa Ortigas, Quezon City noong 1990 at ito ay ang Robinsons Galleria. Subalit bago ang matagumpay at isa sa pinakamalaking mall sa bansa ay dumaan muna ang may-ari nito sa pagsubok ng buhay. 

John Robinson Lim-Gokongwei Jr. Ipinanganak noong August 11, 1926 sa Xiamen, China. Kilala ang pamilya nila bilang isa sa mayayaman sa filipino-chinese community sa Cebu.

Nagmula ang kanilang yaman sa kanyang lolo sa tuhod na si Pedro Singson Gotiauco. Sa edad na 13 namatay ang kanyang ama at unti-unting naghirap ang kanilang pamilya. Ang mgabkapatid niya ay bumalik ng China dahil sa hirap ng buhay.

Kaya naman ay nagtinda na lamang ng pritong mani sa kalye ang batang si John sa edad na 14. Hanggang sa nakapag-ipon siya at dinala ang mga binebenta niya sa Maynila noong 1943.

Naglakbay siya mula Cebu patungong Lucena hanggang sa Maynila dala ang mga produktong prutas, gulay, harina at ukay-ukay. Doon ay unti-unting lumago ang negosyo niya. 

Source: jgsummit.com.ph

Noong 1945 ay nagtayo siya ng kompanya ang AmAsia Trading kong saan nag-aangkat siya ng mga produkto mula China tulad ng harina, bawang, sibuyas, prutas at ukay-ukay.

May mga lumang dyaryo at libro din galing U.S. Dahil dito ay napabalik niya ng Pilipinas ang mga kapatid at naging katuwang niya ito sa negosyo.

Nakapag-import na rin sila ng tobacco at alak. Sa taong 1957 ay nagloan siya sa China Bank ng 500 thousand pesos para sa plantasyon ng tubo at cornstarch.

Dahil dito ay naitayo niya ang kompanyang Universal Corn Products na ngayon ay kilala bilang Universal Robina Corporation isang food and beverage company. 

1961 naitayo din niya ang Consolidated Food Corporation o mas kilala na CFC Corporation. Isa sa produkto ng CFC ay ang Blend 45 Coffee. Taong 1990 ay naitayo naman niya ang JG Summit Holdings Inc. Isa rin sa pangarap ni John ay magkaroon ng transportasyon ang mga tao kaya naman noong 1996 ay itinatag niya ang Cebu Pacific Air. 

Source: bilyonaryo.com

Pinasok din niya ang larangan ng telecommunications at itinatag ang Digitel noong 2003 na nagmamay-ari ng Sun Cellular ngunit di naglaon ay ibenenta niya sa PLDT.

Nagmamay-ari din siya ng Robinsons Retail Holdings Inc. at ang Robinsons Land Corporation na namamahala ng Robinsons malls. Umaabot sa 20 million dollars ang mga negosyo ni John. 

Source: philippineplumbing.com

Noong March 2016 ay tuluyan ng pinamamahalaan ng kanyang anak na si Lance Gokongwei ang buong kompanya. Lumisan si John Gokongwei noong November 9, 2019 sa edad na 93.