Super Ferry nasaan na nga ba ngayon. 

Super Ferry nasaan na nga ba ngayon. 

Naging tanyag ang Super Ferry noong dekada 90 sa larangan ng transportasyong pandagat. Ito ang naging kompetensya ng Sulpicio Lines at Negros Navigation na nauna at sumikat na mga barko.

Noong 1990’s ay lumayag ang Super Ferry na pagmamay-ari dati ng mga kompanyang William Lines, Gothong Lines at Aboitiz (WG&A).

Ngunit sa ilang taon lamang ay nabuwag ang kompanya. Ang William Lines ay nag-focus sa logistics, warehousing at courier businesses habang ang Carlos A. Gothong Lines (CAGLI) ay nag-umpisa ng sariling shipping company.

At kalaunan ang Super Ferry ay nasa Aboitiz Shipping Company na. Kasama na dito ang Supercat at Cebu Ferries. Umabot sa 21 na mga barko na may pangalang Super Ferry. 

Source: portcalls.com

Subalit noong 2004 nabili ito ng Negros Navigation (NENACO). Sa halagang 105 million U.S dollars. At noong 2012 ay nabili ang NENACO ng CAF o China-ASEAN Fund sa pamamagitan ng equity infusion at tuluyan ng na re-branded ang Super Ferry at naging 2GO Travel. 

Source: maritimereview.ph

2GO o 2GO Sea Solutions o mas kilala bilang 2GO Travel ay bahagi ng 2GO Group na ang dalawa sa may pinakamalaking shareholders ay ang Trident Holdings at SM Investments Inc. Ang main hub nila ay nasa pier 4 ng Manila North Harbor. 

Source: bairdmaritime.com

Ilan sa mga barko ng Super Ferry ay dumaan sa aksidente. May nasun0g, lumubog at tuluyan ng nasira. Heto na ngayon ang mga fleet ng 2GO Travel. 

St. Ignatius of Loyola formerly Cebu Ferry 3.

St. Anthony de Padua formerly Cebu Ferry 2.

St. Augustine of Hippo formerly Cebu Ferry 1.

St. Francis Xavier formerly Star Diamond Ferry in Japan. 

St. Michael of Archangel formerly Blue Diamond Ferry in Japan. 

St. Therese of Child Jesus formerly Super Ferry 16.

2GO Masagana formerly Tsukushi for Hankyu Ferry in Japan. 

2GO Maligaya formerly Yamato for Hankyu Ferry in Japan.