Anak ng mananahi naging top 1 sa board exam

Anak ng mananahi naging top 1 sa board exam


“Talk to the Lord and tiwala lang sa kaniya. Have faith. Siya yung ground and source ng strength. And also solicit the help of your family and your friends and get your inspiration from them. Really know yourself and set your goals po.”

 – Jomel Lapides

Isang kwento na naman ang nagpapatunay na hindi hadlang ang kahirapan sa buhay upang makamit ang pangarap. Si Jomel Lapides na anak ng mananahi at dating construction worker. Labis na lamang ang ligaya ng kanyang mga magulang dahil sa naabot ng kanilang anak. 

Source: thedailysentry.net 

Nagtapos sa UP College of Medicine si Jomel, marami ang humanga sa kanya dahil sa ikalawang pagkakataon ay naging top 1 na naman siya sa board exam. Isa itong pambihirang kaganapan sa buhay ng tao. Noong 2011 ay nag top 1 siya sa Nursing Licensure Exam na may 88.4% at sa katatapos nan na Physician Licensure Exam ay nakakuha siya ng 88.67% na nagdala sa kanya bilang top 1 sa nasabing exam. 

Source: thedailysentry.net

Ayun kay Jomel, dati ay nanghihiram lamang siya ng pera at nag-trabaho bilang tutor habang naghihintay sa nursing exam. Dahil salat sa buhay ay nagsikap siya na maipagpatuloy ang pag-aaral. Tiyaga, sipag at pagdadasal ang kanyang baon at lakas upang magtagumpay sa buhay. Isa na nga siyang ganap na doktor sa ngayon. 

Sa kabila ng kanyang nakamit ay balak pa rin niya na ipagpatuloy ang ophthalmology. Tila hindi mapipigilan si Jomel na abutin pa ang mga pangarap. Sa lakas ng tiwala niya sa Diyos at laging pagdarasal ay pursigido siya na makamit pa ang mga nais niya sa buhay. 

Source: thedailysentry.net

Salat man noon ay nakabawi na itong si Jomel. Isang magandang halimbawa si Jomel na ang pananalig sa Diyos ay napakabisang gabay upang tayo ay magtagumpay. Dagdagan pa ng sikap, tiyaga at hindi pagbitiw at patuloy na lumaban sa mga pagsubok sa buhay.