Pangalan ng tindahan pinatanggal ng isang manager

Pangalan ng tindahan pinatanggal ng isang manager

Likas na sa mga pinoy ang pagkamalikhain. Agad nabibigyan ng estorya ang isang bagay o pangyayari at magvi-viral naman ito. Mga sikat na tao ay hindi nakakaligtas sa mga memes ng pinoy. Kahit nga trahedya ay nagawa pa rin pasayahin ng mga pinoy. Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay malaya ang sinuman sa paggamit ng kaparehong bagay para sa pansarili. 

Katulad na lamang sa isang katuwaan lang naman na ganap. Isang sari-sari store sa bayan ng Agusan del Norte na may napaka-familiar na pangalan. Na kong sa isang sulyap lang ay agad mong aakalain na ito ay 7-Eleven. Ang naturang pangalan ng tindahan ay halos magkatulad na sa 7-Eleven, mula sa kulay, letra at kabuuang logo nito. Ang pangalan ng tindahan ay ginawang 7-Evelyn. Na naaangkop talaga sa pangalan ng sikat na convenient store sa buong mundo. 

📸 Calvin Pasaol Carlson

Nag-viral agad ang nasabing post na umabot sa 55k reactions at 82k shares. Sa ibinahaging larawan naman ng netizen na si Chad Gray Jet Pazaol ay makikitang ipinapatanggal ng isang manager ng 7-Eleven ang naturang pangalan ng tindahan. Matapos ang ilang araw na pag-viral sa nasabing post. 

Ayon naman sa Intellectual Property Rights ng Pilipinas, may karapatan naman daw mag-protesta ang mang-ari ng isang sikat na establisyemento para ma protektahan ang kanilang trademarks at serbisyo. 

📸 Calvin Pasaol Carlson

Katuwaan lang daw umano ang nagawa ng may-ari ng sari-sari store na naging viral naman sa social media at hindi akalain na mapansin ito ng 7-Eleven.

Source: commons.wikipedia.org

Maging aware na sana tayo sa paggamit ng sikat na pangalan, kahit wala man tayong intensyon na masama subalit may karampatang parusa pa rin sa paggamit nito ng walang permiso. Kahit mga produkto na may patent o patented products ay hindi mo ito pwedeng gayahin. Lalo pa ang isang pangalan ng establisyemento na maari ka pang makasuhan kong patuloy sa paggamit o pag-gaya dito.