Isang Lolo, ninakawan na ay nagawa pang tumulong sa iba. 

Isang Lolo, ninakawan na ay nagawa pang tumulong sa iba. 

Napakagandang isipin na sa kabila ng kahirapan ay may mga tao pa rin na handang magbahagi sa kapwa. Katulad na lamang ni Lolo Jowie, isang namamasura at pangangalakal ang hanap-buhay. May isang good samaritan na si Mr. Lim. Nagpanggap siya na humingi ng tulong sa matanda. Ikinatuwa niya na hindi man lang nag atubili si Lolo Jowie na ibigay ang natitirang limang pisong barya. 

Source: Shewin Lim

Naantig agad ang damdamin ni Lim at nahabag ito sa matanda. Lalo pa na napag-alaman niya na kinagabihan lamang noon ay ninakawan ang matanda natangay ang bag niya na may lamang 20 pesos at nakuha pa pati mga ID niya. 

Nasa 70 anyos na si Lolo Jowie. Tanging iyon lamang ang ikinabubuhay niya at sa pamilya. Kahit sa katandaan ay patuloy pa rin na nilalabanan ni Lolo ang hirap sa buhay. Sa halagang 150 hanggang 200 pesos na kita kada araw ay pinagkakasya niya iyon sa pang araw-araw na gastusin. 

Source: Shewin Lim

Labis ang pagkaawa at paghanga ni Lim sa matanda kaya naman ang limang pisong binigay ng matanda ay pinalitan niya ito ng malaking halaga. Natuwa at nagpasalamat naman si Lolo, hindi niya inakala na makakatanggap siya ng gatimpala sa nagawa niya. 

Sa kabila ng kalagayan ni Lolo Jowie ay positibo pa rin siya na humarap sa araw-araw. Mahirap man ngunit may malaking puso naman ang matanda. Bagay na hindi lahat ay nagkakaroon. Salat man sa salapi ay maligaya pa rin si Lolo sa buhay niya. 

Source: Shewin Lim

Masasabing hindi talaga pera ang tunay na basehan kung anong estado ng buhay na mayroon tayo. Ito ay makikita sa ating tunay na pagkatao. Isang magandang ehemplo si Lolo Jowie para sa atin. Maituturing na napakaliit na bagay lang naman ang nagawa niya pero napakalaki naman ang epekto nito sa taong tinulungan niya.