Angel Locsin spotted sa boracay at hindi rin nakaligtas sa b4shers. 

Angel Locsin spotted sa boracay at hindi rin nakaligtas sa b4shers. 

Viral ngayon ang instagram post ni Angel Locsin mula sa boracay kasama ang asawa nitong si Neil Arce at mga kaibigan. Ayon sa post unang beses nila magpunta sa boracay matapos ang halos tatlong taon. Isa sa mga larawan niya ay tila balot ang kasootan ni Angel na naka-bikini top, beach sweater at floral shorts. Umawra naman ito sa one piece picture niya na may caption na ” Umanggulo, huwag manggulo”. 

Angel Locsin/instagram 

Kumain sa mga restuarant at nag-island hopping din siya kasama ang mga kaibigan. Makikitang masaya ang actress sa kanilang bakasyon. 

Subalit ang real life Darna ay hindi nakaligtas sa mga bashers sa social media. Katulad na lang sa nagsabing matapos daw e bash ni Angel ang proyekto ni Pangulong Duterte sa boracay ay nakuha pa nitong magpunta doon. Sumagot naman si Angel na kahit kelan ay hindi siya nag-bash sa proyekto ng pangulo. 

Angel Locsin/instagram 

Isang masugid kasi na kakampink si Angel kaya hindi na nakakapagtaka na punahin siya ng ibang kampo. Tila hindi naman affected ang reyna ng primetime sa mga bash sa kanya. Mapapansin rin ang malaking kabawasan sa timbang niya. Kung dati ay sobrang lumaki nag katawan niya dahil din daw diumano sa gamot na iniinum niya para sa kanyang problema sa likod. 

Angel Locsin/instagram 

Kilala si Angel na pilantropo at spotted siya lagi sa mga relief operation. Nitong huli nga matapos ang bagyong Agaton na naminsala sa Leyte ay agad nagpunta ang actress sa lugar upang mamahagi ng relief goods at hindi inaasahan na nagtagpo ang landas nila ni Senator Reynaldo “Bato” Dela Rosa na isang solid DDS. Nagkamustahan ang dalawa na tila naiwaglit ang magkaibang partido sa politika at nagpag-isa sila sa pagtulong ng mga kababayan nating nasalanta ng bagyo. 

Simula noon ay nananatili si Angel Locsin sa kanyang paniniwala at paninindigan. Hindi man muling lilipad bilang Darna sa telebisyon ay nasa katangian pa rin bilang Darna ang nag-iisang Angel Locsin.