Isang matanda di baleng malugi basta makatulong lang sa Kapwa. 

Isang matanda di baleng malugi basta makatulong lang sa Kapwa. 

“Ang isang mahirap, magtatanong ka paano ka makakatulong sa kapwa mo? Hindi porket mahirap ka, hindi ka makakatulong, sa maliit na paraan magagawa mo yan.” 

Iyan ang mga kataga mula kay nanay Mel ng Meycauayan, Bulacan. Ayon sa kwento, isang dekada nang mag-umpisang magtinda ang  matanda sa maliit nitong kainan na malapit sa paaralan. Naging katangi-tangi ito dahil sa sobrang mura ang mga presyo ng kanyang panindang pagkain. Halimbawa nito ang sariling recipe niya ng chow fan rice na may sahog na hotdog sa halagang limang piso lamang. 

Source: trendypinoy.online

Dahil dito nagkaroon na ng mga parokyano si nanay Mel na mga estudyante at pati na rin mga ibang empleyado na malapit sa lugar. Ibinida ni nanay Mel ang mga paninda niya tulad ng tinolang manok, bopis, menudo, kare-kare at iba pa. 

Hindi alintana sa kanya na malugi basta makatulong lang sa kapwa niya mahirap. Kapag negosyante ang iisipin muna ay ang kita nito ngunit iba ang pananaw ni nanay Mel. Nais niya na makatulong sa tulad niya. Malaking bagay nga naman ang nagagawa niya sa mga estudyante na karamihan naman ay salat rin sa salapi. 

Source: thedailysentry.net 

Ang pagbibigay tulong sa kapwa sa maliit man na paraan ay malaking bagay na ito sa mga natulungan. Ang ugaling ito ni nanay Mel ay isang magandang halimbawa sa atin. May iilan naman talaga na medyo may kamahalan talaga ang mga tinitinda. Kaya karamihan sa mga estudyante ay tinitiis ang murang ulam na kaya lang nila mabili sa maliit na halaga. 

Source: trendypinoy.online

Sinasabi na likas na sa mga pinoy ang tumulong sa kapwa subalit ibang usapin pa rin kapag sa negosyo na. Gayunpaman, may mga katulad pa rin ni nanay Mel na mas iniisip pa rin ang makatulong kaysa pansarili. Sana dumami pa ang kagaya ni nanay Mel. Lalo na sa panahon ngayon na mas kailangan ng bawat isa ang pagkakaintindihan at pagtutulungan sa kapwa.