Cristy Fermin: Mananalo na ba kapag may dalawang Miss Universe? 

Cristy Fermin: Mananalo na ba kapag may dalawang Miss Universe? 

Sa episode ng Cristy Ferminute April 21, 2022 ay nagpahayag ng saloobin ang beteranang kolumnista tungkol nga sa nag-viral posts ng dalawang Miss U title holder na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray sa pagsuporta ng kandidato ng kakampink. 

Source: tribune.net.ph

Hayagan ang pagsuporta ni Catriona Gray sa kakampink sa ginawang video nito. Habang si Pia Wurtzbach naman ay naka-boto na sa UAE. Naging kontrobersyal pa nga ang pagpost niya ng larawan sa Philippine Embassy sa UAE kong saan bawal daw diumano na kumuha ng larawan doon ayun sa ilang pilipino sa Dubai, UAE. 

Source: sagisag.com

Hindi naman nagpaawat sa pagbigay ng komento si Cristy Fermin sa pakikisali ng dalawang beauty queen sa politika. 

Narito ang kabuuang komento ni Cristy Fermin. 

“Eto na, sumali na nga rin sa pulitika. Nagpahayag na rin si Catriona Gray at si Pia Wurtzbach na sila ay Kakampink.” 

Lahat tayo ay mayroong kalayaan na pumili ng kung sino ang para sa atin ay dapat maluklok. ‘Yung demokrasya, pinaiiral po ngayon ‘yan, lagi-lagi, inuunawa ko. Kaya lang ang tanong, kapag may dalawang babae ba, dalawang beauty queen sa isang partido, mata-translate ba ‘yun sa boto? Oh, diba? Sabihin niyo, mananalo na ba kapag mayroong dalawang Miss Universe?” 

Wala po ‘yan sa pagandahan. Wala po ‘yan sa pasikatan. Ang lahat po ng pinapangarap ng mga politikong tumatakbo ngayon, nakasalalay po sa kamay ng sambayanang Pilipino. “

Source: mb.com.ph 

Tila sumasabay din sa pagviral itong si Cristy o nanay Cristy ng showbiz industry. Kilala ang beterenang host na ayaw paawat sa pagpapahayag ng kanyang sariling opinyon tungkol sa samo’t saring kaganapan sa mundo ng showbiz. 

Kasabay sa ingay ng mga politiko ang mga indibidwal sa pinoy showbiz. Nariyan ang cancel culture, kakasuhan ang bashers, name calling sa mga kandidato, memes, katatawan at mga sensitibong isyu patungkol sa kandidato. Sa kabila ng lahat ay umaasa tayo na maging maayos ang darating na eleksy0n. Ikanga ni Cristy, karapatan natin ang pumili ni kandidato.