Ellen at Derek wedding, new family at bashers. 

Ellen at Derek wedding, new family at bashers. 

Sa nakaraang November 11, 2021 ay naganap ang kasal nina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Isang dreamy sunset wedding ikanga ang hanash sa napakagandang lugar ng Rancho Bernardo Luxury Villas Mountain Resort sa Bagac, Bataan. 

📸 gmanews.com

Ang wedding planner nila ay si La Belle Fete. Swak na swak naman ang reception design sa lugar na gawa ni Gary Dacanay isang event stylish. Nasa tent ang reception na walk through lang sa wedding area nila. Puno rin ng pink flowers sa loob ng reception at nagsilbing center piece ang isang puno. May pa bonfire pa sa lugar upang mapanatili ang warm atmosphere ng mga guest. Dahil malamig nga naman sa Bataan. 

📸 gmanews.com

Bida rin ang Australian resto na Bondi&Bourke sa mga masasarap na pagkain sa reception. Habang ang Coffee Roastery & Café at The Black Box Mobile Bar para sa kanilang drinks. At ang The Caking Giant Cake & Pastries ang gumawa sa napaka-bonggang wedding cake ng newlyweds. Dagdag pa ang ilang paandar sa kasal na talaga namang nakakahanga. 

Samantala, nag-viral naman ang instagram post ni Derek noong April 12, 2022 kahit isang salita lang na Mornin’. Kasama sa post ang larawan ni Derek, Ellen at ang anak ni Ellen kay John Lloyd na si Elias. Umani kasi ito ng negatibong komento at may isang basher pa na nagsabing mas higit pa sa babae ang pagiging clingy nito at tinaningan pa ng isang taon ang marriage ng dalawa. 

📸 Derek Ramsay instagram

Hindi naman nagpaawat si Derek at pinatulan niya ang naturang komento. 

“If you are feeling alone and unloved I can help.

“I can feel your sadness and loneliness. Sending you virtual hugs and kisses. Take care,” bwelta ni Derek. 

Marami ang may akala na sila na talaga ni John Lloyd. Umabot pa nga sa punto na iniwan ni John Lloyd ang showbiz upang makasama si Ellen. Subalit sa pagbabalik ni Lloydie sa industriya ay wala naman daw siyang hurt feelings sa hiwalayan nila at batid pa nga niya na maging masaya sina Ellen at Derek.