K Brosas malaki ang utang na loob kay Kris Aquino

K Brosas malaki ang utang na loob kay Kris Aquino

“Si Kris Aquino kasi malaking-malaki ang utang na loob ko sa kanya kasi sa Kris TV ako namulat sa travel. Ako ang pinagagawa niya ng mga adventures para happy, di ba?” – K Brosas

Sa nakaraang presscon ng Lakwatsira isang travel show ng TV5 at host dito sina K Brosas at Ethel Booba. Natanong kay K kong sino ang gusto niya makakasama sa isang byahe ng show nila, agad naman tumugon na si Kris Aquino ang nais niya. 

Source: kristv/youtube.com

Nabanggit di ng tv-host comedienne na napakalaki raw ang utang na loob niya sa Queen of all Media. Dahil madalas naging special guest co-host si K Brosas sa dating show na Kris TV. Naging mabait rin daw sa kanya si Kris at masasabing tunay na kaibigan niya ito sa showbiz. 

Ngayon na may sarili na siyang tv show ay napakalaking bagay ang mga natutunan niya dati sa Kris TV, upang magamit niya sa nasabing show. Dagdag pa ni K ay miss na miss na raw niya si Kris lalo na ang kakulitan at mga side comments nito na natatawa daw si K. At sana maging maayos na raw ito at bumalik na sa telebesiyon. 

Source: platinumlist.net

Hindi rin naman kasi matatawaran ang galing ng award-winning tv-host actress na si Kris Aquino. Subalit sa kinahaharap niyang problema sa katawan ay lie low muna sa showbiz ito. Ayon pa kay K Brosas na madali lang nan daw e please ang isang Kris, maalala mo lang siya ay masaya na raw ito. Pinapadalhan rin niya ng flowers si Kris at kahit matagal na silang hindi nagkakasama ay patuloy pa rin daw ang komunikasyon ng dalawa sa pamamagitan ng text message. 

Source: raindeocampo.com

Umaasa si K na muling manumbalik ang sigla ni Kris at makakasama niya muli sa isang show. 

“Si Kris, nami-miss ko na siya unang-una at siya ang nagpamulat sa akin ng mga travel-travel sa TV. Ako yung tagagawa niya ng mga hindi niya ginagawa. Nakaka-miss talaga siya,” ani K Brosas.