Dating burn survivor, bida na sa tikt0k ngayon

Dating burn survivor, bida na sa tikt0k ngayon

Ang karanasan sa isang trahedya ay maaaring makapagpabago sa ating buhay. Ang iba ay tuluyan ng nilamon ng kalungkutan at habambuhay na pagsisisi. Subalit may iba naman na sinikap na tanggapin ang nangyari at muling babangon upang harapin ang mundo. 

📸 Larra Francesca facebook

Katulad na lang sa isang personalidad mula sa Lapu-Lapu City ng Cebu. Siya si Larra Francesca kung saan biktima siya ng sunog. Dumalo siya noon sa isang coronation night nang biglang nagkaroon ng black out. At sa sandaling iyon ay kinailangan niya na magbanyo bitbit ang kandila. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagliyab ito at nasunog ang lugar. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nagliliyab na rin sa apoy. Nakuha pa niyang buhusan ang sarili ng tubig ngunit huli na ang lahat. Nakita na lamang niya ang repleksyon sa salamin. 

📸 Larra Francesca facebook

Unang naitanong niya sa sarili kong papano na siya matapos ang insidenteng iyon. Lapnos ang mukha mga braso at hita. Dumaan siya sa pitong operasyon sa awa ng Diyos ay nakaligtas siya ngunit nag-iwan ito ng marka. Isang uri ng marka na tinatawag na hypertrophic scars na nasa kanyang mukha lalo na sa bandang labi. Tuluyan na nga nagbago ang hitsura ni Larra. Isang taon siyang hindi lumabas ng bahay at walong taon siyang nagsuot ng facemask upang maikubli ang mukha. 

📸 Larra Francesca facebook

Sa tulong ng pamilya at kaibigan ay isang araw napagdesisyunan na lamang niya na humarap na sa mundo muli at tinanggal ang nakatakip sa kanyang hitsura. Sa ngayon ay psychology student siya ng University of the Philippines Cebu. Isang paraan niya sa pagharap sa mundo ay pasukin ang mundo ng tiktok. Doon ay nakakuha siya ng mga humanga sa kanyang tapang at lakas ng loob na yakapin muli ang sarili at hindi ikahiya kong anuman ang hitsura na meron siya ngayon. Itinuturing niya na healing process ang pagpasok niya sa social media at para na rin makapagbigay ng inspirasyon sa mga biktima na kagaya niya. 

📸 Tiktok @frntscc

Naging positibo si Larra sa buhay sa kabila ng naranasan. Dumaan man siya sa takot at pagkahiya sa tao, subalit nalagpasan niya ito at taas noo na humarao muli sa mundo. Nakakahanga ang katangian ni Larra at pinatunayan na wala sa hitsura upang tanggapin ka ng mundo kundi kong ano meron ka sa kalooban mo na maipagmamalaki mo sa buong mundo.