Heart at Chiz tapos na nga ba? 

Heart at Chiz tapos na nga ba? 

Nitong nakaraang linggo ay usap-usapan sa kahit saan man sulok sa showbiz kung ano na ba talaga ang tunay na sitwasyon sa balesin wed couple na sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero. 

Photo credit GMA News

Nag-umpisa ang mga haka-haka nang tanggalin sa social media account ang “Escudero” sa kanyang profile name. At sinundan pa ito ng mga post ni Heart ukol sa mga nakakalungkot na bagay. Pansin din ng netizens na hindi na nakikisali si Chiz sa mga tiktok videos ni Heart. Minsan din ay nagsuot siya ng shades at pabirong nagsabi na para daw itago ang kalungkutan kaya siya nag shades. 

Photo credit Philippine News

Kilala si Heart na fashion icon sa bansa. Sa katunayan ay may mga pinupuntahan pa itong mga events sa ibang bansa at minsan na rin siyang nag-trending at napasama pa sa isang International magazine. Kaya naman ang espekulasyon ng ilan kaya nagkalaboan na ang mag-asawa dahil ayaw pa daw mag buntis ni Heart at upang mapanatili pa ang figure nito. 

Photo credit Philippine Star

Sa nakalipas na GMA Ball ay halata din na tila may kakaiba sa mag-asawa. Hindi raw ito sweet. Kasunod pa nito ay ang video post ni Heart na nagpinta. Sabi niya ang pagpipinta daw ay nailalabas niya doon ang masamang saloobin. Kumbaga pampaalis ng stress. Isa rin sa kumakalat na espekulasyon ay ang masyadong paggastos ni Heart sa mga mamahalin at branded items at umaangal nga raw dito ang senador. At heto na nga ang matindi. Ayon sa mga sabi-sabi, nakabuntis diumano ang senador kaya naghiwalay na ang mag-asawa. 

Photo credit cosmo.ph

Hindi man sinasabi ni Heart ng diretso subalit may mga pahiwatig ang kanyang mga post na tumutukoy sa tunay na estado ng kanyang relasyon sa senador. Gayunpaman, wala pang opisyal na pahayag ang dalawa. Isang magandang pagsasama sana ang isang showbiz personality at politiko.