Maja Salvador ipinasilip ang kanyang modern tropical house

Maja Salvador ipinasilip ang kanyang modern tropical house

Isa sa mga vlog ng kapuso actress na si Maja Salvador ay nang ipinasilip niya ang kanyang bahay sa Antipolo.

Ito ay ang katas ng kanyang RC Cola commercial kaya naman ay tinawag niya itong RC House noon.

Dumaan na rin ng ilang renovation ang bahay at pinalitan na nga niya ang tawag nito na Casa Andres. Ito ang nagsilbing tahanan ng pamilya ng actress. 

Screencap Maja Salvador vlog/youtube

Una niyang pinasilip ang mini garden at ang bonggang griller na bigay niya sa kapatid dahil mahilig daw itong mag-ihaw.

Dahil sa pandemya ay pati sa loob ng bahay ay may covid-19 safety protocol ang hanas ni Maja.

May foot bath, alcohol, sanitizer , face mask at kung ano pa. Bida rin ang high ceiling at bonggang paandar na chandelier.

Inilapag din sa house tour ni Maja ang napakagandang living area. Sumunod naman ang isa sa paboritong lugar niya sa bahay ang kusina dahil mahilig din siya magluto kaya naman napakagara din ng kanyang kitchen. 

Screencap Maja Salvador vlog/youtube

Ang lanai area ng kanyang bahay ay pansamantalang naging gym. Dahil nga sa pandemya ay sa bahay na lang siya nag work out. Makikita rin ang mga gym equipment.

At sa harap nito ay ang sauna room kung saan siya nagrerelax matapos mag gym. Inimbitahan niya ang kanyang interior designer na kaibigan na si Miah Gomez at ayun nga sa kanya na isang modern tropical theme ang bahay ni Maja. Makikita dito ang pagkahilig niya sa travel at pagmamahal sa beach. Subalit may pa bitin na paandar si Maja.

Hindi niya muna ipinasilip ang ikalawang palapag mamaya na daw kapag naka abot na ng 1 million subscribers ang kanyang vlog. At ngayong March 2022 ay nasa 1.47 million na ang subscribers ng kanyang vlog

Screencap Maja Salvador vlog/youtube

Kilala si Maja bilang kapamilya actress noon. At ngayon ay kapuso na siya. Regular din na mapapanood ang actress sa Eat Bulaga.

Napaka versatile din na actress ni Maja mapa drama o aksyon at kahit horror na serye ay nagagawa niya gaya ng Wild Flower kung saan kilala siya bilang Ivy Aguas at sa huli nitong serye sa dos na The Killer Bride.