French-Mediterranean style ni John Lloyd Cruz

French-Mediterranean style ni John Lloyd Cruz

Ibinahagi ng dating kapamilya actor na si John Lloyd Cruz ang kanyang pangarap at komportable na bahay. Malayo na nga ang narating ng actor.

Nag-umpisa siya bilang teenstar ng ABS-CBN at nag click ang tambalang John Lloyd at Kaye Abad sa youth-oriented show na Tabing Ilog. Hanggang sa makatambal na niya si Bea Alonzo at doon mas sumikat pa si John Lloyd bilang matinee idol. Nakagawa rin ng maraming serye at pelikula. 

Inabot man niya ang rurok ng tagumpay ay dumaan rin sa pagsubok ang actor. Subalit muli siyang nagbalik upang bumangon muli at sa bakuran na ng kapuso network. Mapapanood siya sa sitcom ng GMA na Happy Together. 

Source: thedailysentry.net 

Gayunpaman, ay hindi napigilan ng panahon ang pag-abot niya sa kanyang pangarap. Nakapundar na nga ito ng mansyon sa edad na 36. At heto nga ang nakakamanghang French-Mediterranean themed na bahay.

Tapos na nga ang bahay at may mga iilang final touching na lang ang ginawa. Nasa Antipolo ito na mayroong 1,100 square meters.

Gusto niya na magmukhang mga bahay ito sa Los Angeles at ang loob nito ay makikita ang american vibe na istilo.

Pansin din ang high ceiling with chandelier, ang dining area naman ay mayroon 10 seater dining table na gawa sa narra. Batid talaga ang pagka elegante nito.

Dagdag pa ang napakalawak na swimming pool at garden. Pero ang pinaka-sophisticated ay ang kanyang kwarto na nasa bandang hagdanan at tinatayang nasa 110k mahigit kasama na ang extended flush. 


Source: thedailysentry.net 


Bukod sa bahay ay mayroon din itong guest house sa tabi na may 80 square meters na sukat. Nakapaloob dito ang dalawang bedrooms, living at dining area at may sarili din itong kitchen. At sa labas ng mansyon ay mayroon itong 4 foot pond na nagsilbing tahanan ng kanyang mga koi fish. 

Source: filipinoguideph.com

Deserve naman talaga ng actor ang magkaroon ng ganoong mansyon. Sa ilang taong pagsisikap ay nagbunga rin ito ng kaginhawaan at ang binibida niyang komportableng bahay.