“Magtanim po tayo para makatulong sa kalikasan”. – Coco Martin

“Magtanim po tayo para makatulong sa kalikasan”. – Coco Martin

Nakakamangha pala ang buhay ni Coco Martin sa likod ng camera. Karamihan sa mga sikat na artistang kagaya niya ay mga malalaking bahay o ari-arian ang binibida.

Mayroon din naman nito ang aktor ngunit iba ang kanyang ibinida kundi ang kanyang bahay-kubo. Sino ang mag-aakala na sa gitna ng syudad ng Quezon City ay may tila probinsiya ang kapaligiran. 

Source: chisms.net

Nagtayo ng bahay-kubo ang aktor na may kasamang mga prutas, gulay at iba pang halaman. Buhay probinsiya talaga kong iisipin. Ito raw ay pangtanggal stress ng aktor.

At siya pa mismo ang nagtatanim at nag-aalaga rito. Nakakabilib dahil sa tikas na pagkakakilala natin sa kanya ay malambot pala ang kamay niya sa kalikasan.

Nakakatuwa at tunay naman talaga na nakakatulong ang ganito sa gitna ng syudad na puro polusyon. 

Source: juantambayan.me 


Rodel Pacheco Nacianceno sa totoong buhay. Isinilang noong November 1, 1981.

Degree holder sa kursong Bachelor if Science in Hotel and Room Management sa National College of Business and Arts sa Fairview, Quezon City.

Naging ofw din si Coco namusakan bilang janitor sa Canada. Naging waiter din siya sa isang sikat na fast food chain. Hanggang sa pinasok na niya ang showbiz at nag-umpisa bilang indie actor. Gumanap na rin siya ng mga sexy roles sa mga independent films. 

Source: imdb.com

Nabigyan ng malaking break si Coco ng Kapamilya network. Nagbida  siya sa telseryeng  Tayong Dalawa noong 2009. At sunod-sunod na rin ang mga proyekto niya sa telebisyon. Nagsimula sa Puso – 2010, Minsan lang kita Iibigin – 2011, Walang Hanggan – 2012, Ikaw Lamang – 2014 at Ang Probinsyano – 2015 and present. Maituturing na nga na isa sa pinakamahabang serye ang ginagawa ngayon ni Coco bilang artista, direktor at producer ng show. 

Nakakatuwa na sa kabila ng kasikatan at busy ay nagawa pa ni Coco na maglaan ng oras sa mga halaman at sa layunin niya na makatulong sa kalikasan. Tunay nga na idolo itong si Coco, sa harap man o likod ng camera.