Kit Thompson kalaboso dahil diumano sa pambubugbug ng kanyang girlfriend

Kit Thompson kalaboso dahil diumano sa pambubugbug ng kanyang girlfriend

Nasa kustudiya na ng Tagaytay police ang aktor na si Kit Thompson para sa imbistigasyon dahil sa reklamo ng kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni. 

Nitong Biyernes March 18, 2022 6:30 ng umaga ay tumawag sa 911 ang actress na si Ana Jalandoni ukol sa pag detain at pananakit daw ng kanyang boyfriend na si Kit. Ayon kay Ana, bandang 2:30 ng madaling araw ay nag message siya sa kanyang mga kaibigan na humihingi ng saklolo at nag send pa ng selfie ng kanyang hitsura na nabugbug ang mukha. Hindi raw siya pinalabas ng aktor at sinasaktan. Matapos ang pag tawag niya sa pulisya ay agad naman siya na ni rescue ng Tagaytay police. Nangyari ang insidente sa isang hotel sa Brgy. Silang Crossing East, Tagaytay City. 

Source: abs-cbn.news.com


Sa ngayon ay kasalukuyang nasa hospital at ginagamot ang actress. Habang si Kit naman ay nasa pulisya at iniimbistigahan. Tikom naman ang mga kawani ng hotel. 

Ayon naman sa pamunuan ng Cornerstone Entertainment na siyang nagmamanage kay Kit ay hindi daw muna sila maglabas ng official statement habang wala pang final report na natatanggap mula sa pulisya. At nakiusap din sila sa publiko na huwag daw muna manghusga base sa kumakalat ngayon sa social media ukol sa pangyayari. 

Source: philnews.ph 

Si Kit Thompson ay huling lumabas sa seryeng La Vida Lena ng ABS-CBN. Nakilala siya noong naging housemate sa PBB Teen Edition 4 noong 2012. Nakagawa na rin siya ng ilang serye sa kapamilya network. Si Ana Jalandoni ay unang nakilala at nagviral sa tiktok. Lumabas na rin siya sa Ang Probinsyano at nakagawa na rin ng pelikula gaya ng Sleazebag Cheaters 2020, When I Grow Up 2020 at I want to be a Pornstar 2021.

Source: tvguidetime.com


Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang imbistigasyon sa kung ano ba talaga ang dahilan ng pambubugbug at mga detalye pa sa insidente.