Mga Pinoy celebrities at ang mga beauty queen ng kanilang buhay

Mga Pinoy celebrities at ang mga beauty queen ng kanilang buhay

Hindi na bago sa industriya ang pagkakaroon ng relasyon ng artista at ng beauty queen. Ang iba ay nauwi sa kasalan ngunit ang iba naman ay nauwi sa hiwalayan. Heto ang tatlong pinoy celebrities na nabihag sa mga beauty queen. 

Source: pressreader.com

Ogie Alcasid, kilalang singer/song-writer at komedyante sa ating bansa. Isang typical na pinoy kong maituturing ang hitsura ni Ogie, subalit nabihag niya ang puso ng isang Australian beauty na si Michelle van Eimeren.

Noong 1994 ay ginanap sa Manila ang Miss Universe at isa sa finalist si Michelle. Hindi man siya nanalo pero naging artista at sumikat siya sa bansa natin. Nagkaroon pa nga sila ng pelikula ni Ogie ang Manolo and Michelle so Hapi Together ng OctoArts Films.

Ikinasal nga sila noong 1995 at nagkaroon ng dalawang anak. Ngunit naghiwalay rin sila noong 2007. Ikinasal na rin sa iba si Michelle noong 2009 habang si Ogie naman at ikinasal kay Regine Velasquez noong 2010.

Source: gmanetwork.com


Mikael Daez, ang kapuso actor na ito ay tila naging tahimik sa matagal na pala nitong relasyon sa dating kapamilya star na si Megan Young. 2011 na naging sila habang naging Miss World 2013 title holder naman itong si Megan.

Nag-umpisa ang pagkamabutihan nila nang palagi silang lumalabas with other friends. Sa katunayan ay dalawang beses silang ikinasal. January 10, 2021 sa Nasugbu, Batangas at January 25, 2021 sa Subic Zambales. 

Source: mb.com 


At si Sam Milby, kapamilya actor na ilang beses na rin nagkaroon ng karelasyon sa showbiz.

Ngunit na surpresa ang lahat noong May 23, 2020 sa pagkumpirma niya sa kaniyang relasyon sa Australian-Filipina 2018 Miss Universe na si Catriona Gray.

January 2019 ay kumalat ang usap-usapan tungkol diumano sa relasyon ng dalawa dahil sa nakunang larawan.

Ngunit pinabulaanan ito ng kanilang manager na si Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment. Inimbitahan daw sila nito sa kanyang farm sa Tanay, Rizal kaya nakuhanan ng litrato ang dalawa. Gayunpaman ay nauwi rin sa pag-iibigan ang dalawa.