Angelica Panganiban kumpirmadong buntis

Angelica Panganiban kumpirmadong buntis


“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako. 

Opo, may matres ako mga baklaaah! ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko  kaiyak pramis. “ – Angelica Panganiban 

Masayang ibinahagi ng kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang kanyang pagbubuntis. Sa kanyang instagram post March 20, 2022 ay kinumpirma na nga niya ang usap-usapan na nagdadalantao ang 35 year old na actress. Kalakip sa pag-amin niya ang sonogram ng baby na may date na February 18, 2022. 

Source: bandera.inquirer.net

Noong 2020 ay na-link si Anggie sa isang non-showbiz na lalaki at January 2021 ay kinumpirma na nga niya ang relasyon niya kay Gregg Homan kasabay sa kissing photo nila sa Zambales. Si Gregg ay isang foreigner businessman kung saan nagdidisenyo, gumagawa, nagbebenta at nagpaparenta ng boats at iba pang water crafts sa Subic. 

Source: Angelica Panganiban/instagram 

Ilan naman sa kasamahan sa showbiz ang bumati sa pagbubuntis niya gaya nila Janine Gutierrez, Marian Rivera, Pauleen Luna, Maxene Magalona at iba pa. Labis naman na pinasasalamatan ng actress pati mga marites ay pinasalamatan din niya. 

Medyo emosyonal ang actress dahil matagal na raw niya itong pinangarap na magka-anak at magkaroon ng sariling pamilya. At kaya pala nag lie low muna siya sa paggawa ng teleserye dahil ito pala ang kanyang pinaghahandaan. 


Source: Angelica Panganiban/instagram 


Isang homegrown talent si Angelica ng ABS-CBN at kailanman ay hindi ito lumipat ng bakod. Naging matindi rin ang pakikipaglaban niya sa prangkisa ng network. Makailang ulit umibig at nabigo na nga si Anggie pero naging palaban pa rin siya at positibo sa buhay. Dating child star na nagpa sexy at ngayon ay isa na sa primyadong actress ng bansa. Hangad ng mga supporters niya na ito na sana ang forever na lalaki na makakasama niya habambuhay.