Yassi Pressman, hinangaan ng netizens dahil sa pagbisita sa kulungan

Yassi Pressman, hinangaan ng netizens dahil sa pagbisita sa kulungan

“Alam niyo po nakakatuwa po dahil naniniwala sila na sa pansamantalang tahanan po nila na iyon, may maganda pa rin pong bukas na nag-aabang sa kanila,” – Yassi Pressman

Marami na rin sa industriya ng showbiz ang nagpapalaganap ng kabutihan sa kapwa. Malaki o maliit man basta ang mahalaga ay nakatulong sa kapwa.

Na kung saan ay ito ang mas mahalaga sa panahon ngayon na nababalot ng pandemya at kaguluhan ang mundo. 

📸 Yassipressman instagram 


Viral ang post ni Yassi Pressman sa kanyang instagram sa pagbahagi niya ng tulong sa mga inmate ng Quezon City Jail Female Dormitory.

Nagbigay siya ng shampoo at conditioner sa 600 na inmates at binili din niya lahat ng mga handcrafted items na gawa mismo ng mga babaeng inmates.

Ginawa niya iyon upang ipakita ang suporta sa mga gawang kamay at mabigyan ng halaga ang pinaghirapan nila at makatulong na rin sa personal na gastusin ng mga inmate at para na rin may maitulong sa Kanya-kanyang pamilya. Naaayon ito sa whole month celebration ng women’s month. 


📸 preview.ph


Naghandog din ng kanta at sayaw ang mga inmates at labis naman ang tuwa ng actress.

Nakausap din niya ang mga ito at umaasa na pansamantalang tahanan lamang nila ang lugar at makakabalik din sa kanilang pamilya sa labas.

Subalit limitado lamang ang mga litrato dahil na rin sa privacy ng mga inmate. 

Yasmin Isabel Yasto-Pressman, edad 26, isang british-filipino actress mas nakilala siya sa pag-ganap bilang Alyanna Dalisay sa Ang Probinsyano.

Kilala din siya bilang dancer at may talento din sa pagkanta. Parehong nasa ABS-CBN, TV5 at Viva Artist Agency ngayon si Yassi. 

📸 showbizchika.net

Tunay nga na kahanga-hanga ang ganap na ito ni Yassi. Napanood na natin siya bilang teenstar at hanggang sa ngayon ay hindi ito nasama sa kontroberysa. Makikita nga ang maayos na pagdala ng actress sa kanyang karera sa industriya. Bukod sa maganda ay may kabutihang puso din ang dalaga.