Angel Locsin The prime actress

Angel Locsin The prime actress

Unang nasilayan sa telebisyon si Angel Locsin ay sa palabas na Click ng GMA noong 2002. At sino ba ang mag-aakala na isa na si Angel sa pinakasikat na artista ngayon. Angelica Locsin Colmenares – Arce sa totoong buhay. Ang 36 years old na actress ay dumaan na sa lahat ng uri ng genre pagdating sa mga teleserye. Nakamit na niya ang kasikatan noong nasa GMA pa lang siya ngunit mas naabot pa niya ang lime light nang pumasok na siya bilang Kapamilya actress. Heto ang listahan ng mga pinagbibidahan niyang teleserye. 

MULAWIN – August 2, 2004 to March 18, 2005. Umabot ng 166 episodes. Kasama niya sina Dennis Trillo at Richard Gutierrez na kapamilya na rin. Dahil sa tagumpay ng serye ay nagkaroon ito ng movie adaptation na Mulawin: The Movie. 

DARNA – April 4 to November 25, 2005. Nagkaroon ng 170 episodes. Kasama sina Alessandra de Rossi, Katrina Halili, Dennis Trillo at Cristine Reyes. Masasabi din na isa si Angel ang pinakasikat na gumanap bilang Darna. Ang plano ng Kapamilya sa muling pagbabalik ng Darna sa telebisyon na na una ay para kay Angel ngunit dahil sa health issue niya ay napunta na ito kay Jane De Leon na ipapalabas na ngayong 2022.

: philnews.ph 


MAJIKA – March 20 to September 29, 2006. May 138 episodes. Muli ay kasama niya si Dennis Trillo. 

ASIAN TREASURES – January 15 to June 29, 2007. Kasama niya dito si Robin Padilla. Umabot ng 118 episodes. At ito ang huling serye na ginawa niya sa GMA. 

LOBO – January 28 to July 11, 2008. Ito ang kauna-unahang serye niya sa ABS-CBN. Ang una sa tatlong installment ng Lobo series.  Nakasama niya dito si Piolo Pascual. 

ONLY YOU – April 27 to August 21, 2009. Korean adaptation na umabot ng 85 episodes. Kasama niya dito ay sina Sam Milby at Diether Ocampo. 

IMORTAL – October 4, 2010 to April 29, 2011. Nasa 148 episodes. Si John Llyod Cruz naman ang leading man niya dito. Ang pangalawa sa Lobo series ng Kapamilya. 

THE LEGAL WIFE – January 27 to June 13, 2014. Natapos ang 98 episodes. Katambal niya dito si Jericho Rosales. Kasama din sina Maja Salvador at JC De Vera

📸: news.abs-cbn.com


LA LUNA SANGRE – June 19, 2017 to March 2, 2018. Nasa season 2 na ang karakter ni Angel bilang Lia. Umabot sa 185 episodes. Kasama niya dito sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at John Llyod Cruz. Ang huling installment ng Lobo series. 

THE GENERAL’S DAUGHTER – January 21 to October 4, 2019. Nasa 183 episodes. Kasama niya sina Paulo Avelino, Ryza Cenon, JC De Vera at Eula Valdez. Ito ang huling serye na nagawa ni Angel. 

📸: starmometer.com

Inaabangan na ng mga fans ang muling pagbabalik ni Angel sa teleserye. Ngayon ay unti-unti na siyang pumapayat. Labis din kasi ang paglaki ni Angel dahil sa gamot na iniinum niya dahil sa problema sa likod. Hindi man siya ang gaganap na Darna muli. Subalit asahan natin ang isa na namang dekalidad na proyekto ng nag-iisang Angel Locsin.