Sca mmer, may nadali na naman. Lalaki labis-labis ang panghihinayang

Sca mmer, may nadali na naman. Lalaki labis-labis ang panghihinayang

Hindi na bago sa atin ang mga manloloko sa online man o sa cellphone. Ngunit may mga tao pa rin talaga na nadadala sa matamis na salita ng mga scammer.

Nabiktima ang maraming pilipino sa malawakang scam ng kappa at marami ang hindi na naibalik ang salaping ipinundar. 

Katulad na lamang ng isang lalaking taga Mindanao. Napaupo na lamang sa lupa at humahulgol dahil na scam ito.

Ayon sa post ni Baran Torrentira Angelito, bumili ng camera ang kanyang kuya na si Christian Devera at ang transaksyon ay sa cellphone lamang.

Screencap Baran Torrentira Angelito 

Nagkakahalagang humigit 40k pesos ang camera. Matapos magpadala ng bayad si Christian ay hindi na daw nagparamdam ang seller na may pangalang Brien Maria C. Budiongan.

Hinihingi ni Christian kay Brien ang tracking number ng LBC dahil iyon daw ang may hawak ng item, ngunit kagaya ng nasabi ay hindi na ito nagrereply. 

Base sa text respond ng isang remittance outlet ay nasa Parang, Marikina City ang address ng scammer.

Ngunit hindi pa ito sigurado dahil kahit saan man sa bansa ay pwede mag claim ng padala.

Screencap Baran Torrentira Angelito 

Humihingi ng tulong ang kampo ni Christian sa mga netizen na maikalat ang naturang post upang kahit papaano ay mapansin ito ng mga awtoridad sa iba pang panig ng bansa. 

Tanging panlulumo na lamang ang nadama ni Christian dahil kahit estudyante pa siya ay nagawa niyang pag-ipunan ang perang pambayad sa pangarap nitong camera sa loob ng tatlong taon. 

Screencap Baran Torrentira Angelito 

“Hindi madali ang ma-scam. Sobra.. sa 3 years na pag iipon ng aking kuya para sa kanyang pangarap na camera tapos iniscam lang. Ang Diyos nalang ang nakakaalam sa ginawa ninyo. Please guys tulungan ninyo kaming ma trace ang mga ito.” – post ni Angelito

Muli, ito sana ay magsilbing babala sa pagbili ng kagamitan lalo na kapag online. Doon tayo sa mapagkakatiwalaan o kaya naman ay tayo na mismo ang bumili ng personal, lalo pa’t malaking halaga ang nakasalalay.