Wedding vow nag-viral dahil sa punchline

Wedding vow nag-viral dahil sa punchline


Patok talaga sa mga pinoy ang mga punchline, lalo na sa temang pag-ibig at mga hugot sa buhay. Kaya naman ay nag-viral muli ang wedding vow video ng mag-asawang Jaypie at Karisma Balanday. Umabot sa 58k reactions, 3.4k comments at 32k shares. 

Ayon kay Karisma o Rhyzz, nagkakilala sila sa banko dahil teller siya at depositor naman si Jaypie at laging sa kanya natatapat ang transaksyon ng asawa. Kung noon ay simpleng biruan lamang at hindi naman iyon binigyan ng kahulugan dahil may bf daw si Rhyzz noon. At hindi rin niya napansin na nanliligaw na pala sa kanya. Pinagtanong din daw ni Jaypie sa common friends nila ang facebook ng babae. 

Source: pep.ph

Gayunpaman, umabot na din sa punto na nagkagustuhan sila matapos makipag break ni Rhyzz sa bf niya. Subalit hindi nila raw ma alala exactly ang date na naging sila basta 2013 daw iyon. July 23, 2016 ay nagpropose si Jaypie at noong January 8, 2017 ay ikinasal sila. 

Dagdag pa ni Rhyzz, nag-away sila few weeks before the wedding. Aminado naman siya na kasalanan niya. Nagsorry siya ngunit hindi na siya pinansin ni Jaypie kaya nagpunta nang gabi sa bahay ng lalaki ngunit nakalock na ito. Upang makapasok ay sumoot siya sa butas ng aircon at nagkasugat-sugat ang binti. At nadatnan niya na tulog at lasing si Jaypie. 

Source: pep.ph


Limang taon na nga ang video ngunit muli itong nag-viral. Aniya, normal naman ang nararanasan nila buhay mag-asawa atang importante ay nagmamahalan sila. 

Source: pep.ph

Nabuo daw ni Rhyzz ang wedding vow habang naghihintay sila sa seminar ng pari. Narito ang kabuuang na compose na vow ni Rhyzz. 

“Every time na tinatanong tayo ng mga tao kung paano mo ako niligawan, ang lagi mo lang isinasagot kasi nagpapa-cute ako sa iyo sa branch.

“Pero sige na nga, aaminin ko, totoong nagpapa-cute ako sa iyo.

“Kasi ang akala ko, sa iyo yung passbook na dala-dala mo!

“Thank you for loving my imperfections. Salamat sa pagmamahal lalo na sa mga pagkakataon na parang ang hirap-hirap kong mahalin kasi napaka-spoiled ko. Napaka-bratinella ko. At higit sa lahat, selosa.

“Pero huwag kang mag-alala kasi kayang-kaya ko uling sumuot sa butas ng aircon para lang makipagbati sa iyo, hahaha!

“And lastly, salamat kasi sa akin mo piniling i-deposit yung pagmamahal mo.

“Huwag kang mag-alala kasi susuklian ko iyan ng maraming-maraming rewards.

“Pero pag dumating yung pagkakataon na gusto mo nang widrawhin yung pagmamahal mo sa akin, ooperan kita nang mas malaking interest para magbago yung isip mo.

“Sa araw na ito, sa harap ng Diyos, at ng mga bisita nating nakatapak, mahal kita at mamahalin kita hanggang sa huling hininga.”