Lolit Solis naging maswerte matapos diumano pina-cancel ni Bea Alonzo

Lolit Solis naging maswerte matapos diumano pina-cancel ni Bea Alonzo

Matapos ang mga banat at patutsada ni Lolit Solis sa kanyang social media ukol kay Bea Alonzo ay tila sinuwerte pa ang beteranang kolumnista. Nakatanggap daw siya ng mga regalo at pera mula mismo sa CEO ng Beautederm na si Rhea Tan. Bukod p nito ay makakasama pa raw siya sa korea para sa meet-up ng mga korean stars bilang endorser ng Beautederm.

Source: kami.com.ph

Kamakailan lang ay naghimutok si Lolit dahil pinaalis daw ang kanyang pangalan list of the press na invited sa launching ng Beautederm kong saan endorser si Bea Alonzo. At ngayon ay tila nang-aasar pa siya sa actress. 

Source: mb.com

“Hay Salve, ewan ko kung bakit punong puno ng grasya ang life natin. Imagine mo na dahil sa pagiging makitid ng utak ng iba, na ayaw tayong makita nila Gorgy sa kanilang meet the press, umulan ang grasya sa ating kandungan? “Talagang napakabait ni Rhea Tan ng Beautederm, mula pa nuon para bang hindi niya maisip kung bakit kailangan wala tayo sa launching ng Beautederm. “Kaya naman bilang pabuya para bang spoiled brats tayo na lagi na ay inaalala niya. Bago pa ang presscon, ipinadala na niya ang ating happy enve bilang lucky charm. “Naglaan din siya ng oras sa napaka hectic na sked niya para makipag lunch sa atin nila Gorgy, at si Jerry Olea na sympathetic sa naging treatment sa atin kaya ayaw na sana pumunta sa launch pero pinilit ni Gorgy at WIN ng 25K sa raffle ng Beautederm.

Source: entertainment.inquirer.net

“Iba talaga ang pagiging mabait ni Rhea Tan, very sincere kaya feel na feel mo na talagang concern siya kung ano naging feeling natin na bininyagan ni Mr. Fu ng ‘ligwak beauties’. Ang height, dahil paalis siya para kausapin ang management ng mga Korean stars na kukunin para endorser ng Beautederm, lahat ng kasama sa lunch ay isasama niya sa Korea. “Si Gorgy, Salve, Jerry, Mr. Fu, ako, at binigyan niya tayo ng assistant na mag aasikaso sa atin, si Mylene. Imagine mo iyan ? Para naman talagang itatanong mo, ‘ what have I done to deserve such love and generosity “.