Dalawang Marites huli matapos makipag-tsismisan

Dalawang Marites huli matapos makipag-tsismisan

“Ang aming natuklasang group chat ay halos dalawang taon nang group chat at halos araw-araw nila akong pinag-tsitsismisan. Kasi kapag nagbabakasyon kami, kinukuha nila ang mga larawan namin at inilalagay sa kanilang group chat at tsaka nila binibigyan ng malisya. Meron pa ngang sinabi doon na isa raw akong kabit at marami pang iba. ” – complainant

Nang dahil sa tsismis nagreklamo ang isang babae sa dalawang ginang at inaksyunan naman ito ng Bogo City police. Kinilala ang dalawang akusado na sina Mary Grace Catapan, 21 at Jhallyn Gequillo Varga na taga Brgy. Sudlonon at Brgy. Gairan, Bogo City, Cebu. Sa ibinabang hatol ni Judge Ramon Daomilas Jr. Nalabag ng mga akusado ang Section 4 Republic Act 10175 o Cyber Libel na may sentensyang makukulong sa loob ng 6 na buwan hanggang 2 taon o magbayad ng multa. Agad naman dinakip ang mga akusado. 

📸 thedailysentry.net 

Ayon sa nagrereklamo, nag-simula noong 2017 hanggang 2018 ay sinisiraan na daw siya ng dalawa sa pamamagitan ng group chat. May sampung miyembro daw ang group chat kong saan kinukuha ng mga akusado ang mga larawan ng reklamante at pinagtsismisan ang pribadong buhay nito. Sinasabihan daw na may sira siya sa utak at binantaan pa na isisilid daw sa septic tank. Maging ang kanyang asawa ay pinagbintangan na magnanakaw, ini-edit ang kanilang mga larawan at ginawang katatawanan. Hindi pa na kuntento ay maging ang anak ng biktima ay dinamay pa nila. Ang mga larawan ng anak niya ay nilalagyan daw ng hindi kaaya-ayang caption. Kaya naman hindi na nakatiis ay nag-report na ang biktima. 

📸 thedailysentry.net 

Napag-alaman din na ang dalawang akusado ay mga magulang din ng mga estudyante sa paaralan kung saan doon din nag-aaral ang anak ng biktima. Samantala, pinayagan naman na mag-pyansa ang mga akusado sa halagang 36 thousand pesos. 

📸 keulisyuna.com

Kaya sa mga Marites diyan, magsilbing aral sana ang pangyayaring ito dahil may kalalagyan talaga kayo. Huwag sana tayong manira ng puri ng iba lalo na maging ang bata ay sisiraan nyo din