Lalaki nag amok dahil sa wifi password

Lalaki nag amok dahil sa wifi password

Ang wifi isang uri ng internet connection na limitado lamang ang radius kung hanggang saan lang ito maari makakonek. May password din ito upang proteksyon sa hindi otorisadong koneksyon. Subalit may matindi yatang pangangailangan ang isang lalaki dahil labis ang galit nito nang hindi na siya makakonek sa wifi. 

Kamakailan ay nag-viral ang video ng isang lalaki kung saan ay nakunan ito ng video habang galit na galit at nag-aamok at naghahamon pa ng away. 

Screencap from youtube videos

Ang dahilan lamang ay wifi password. Nabigla na lamang ang isang lalaki dahil hindi na siya maka konek sa wifi ng kanyang kapit-bahay. Kaya nagalit siya sa may-ari ng wifi. 

“Umalis kayo dito..kung ayaw niyo ng ugali ko.. pangit ang ugali ko diba? dapat pinakinggan ninyo ako.” ayon sa galit na lalaki.

Ayon naman sa may-ari ng wifi, hindi na muna siya nagpakonek sa iba dahil kailangan niya ng mabilis na internet connection para sa online training niya sa inaaplayang call center company. At baka ito pa ang dahilan na babagsak siya sa trabahong inaasam. 

Screencap from youtube videos

Tila gigil na gigil ang lalaki sa galit. Umani ng batikos ang lalaki sa mga netizen. Dahil sa aksyon nito na hindi naman karapat-dapat. Hindi naman nanlaban ang may-ari ng wifi bagkus siya pa mismo ang humingi ng paumanhin sa lalaking nagwawala. 

Nakakatawa at nakaka galit din ang aksyon ng lalaki. Kahit saan banda tignan ay wala siyang karapatan sa ginawa niya. Nakikonek na nga lang ay magagalit pa. Karapatan din naman ng may-ari kahit solohin pa niya ang wifi niya dahil sa kanya naman iyon. 

Screencap from youtube videos

Isang masaklap na halimbawa ng pagkaganid ang inasal ng lalaki. Kung hindi natin afford ang magkaroon ng wifi, magpasalamat na lang tayo sa kung sinuman ang magbahagi ng koneksyon. At kapag dumating ang araw na ititigil na ang libreng wifi mo ay hindi naman tama na magalit ka at magwala pa. Ang mga pangyayaring ito ay pwede naman pag-usapan.