Vice Ganda huling-huli sa camera. 

Vice Ganda huling-huli sa camera. 


“Bago ang lahat, gusto ko munang humingi ng paumanhin dahil kanina naghaharutan kami ni Vhong Navarro at meron akong naibunton na hindi maganda kaya humihingi po ako ng paumanhin. “Bad, bad, bad… that’s very bad, oo. Pero ayun, paumanhin po,”
– Vice 

Ilang beses na rin na may nakakatawa, nakakagulat at minsan naman ay hindi kaaya-ayang ganap habang nasa live show ang isang programa. Katulad na lang sa nangyari sa nakaraang episode ng It’s Showtime sa segment na Showtime Sexy Babe kung saan host sina Vhong Navarro, Ogie Alcasid at Vice Ganda. 

📸 bandera.online.com

Habang iniinterview nila Vhong at Ogie ang isang contestant tinanong ito tungkol sa buhay pag-ibig  at break-up ng boyfriend heto ang sagot ng contestant : “Nu’ng nakikita ko po na hindi na nagwo-work saka parang wala naman po siyang balak, saka wala na siyang interes sa akin, napagpasyahan ko po (na makipaghiwalay) kasi alam ko po yung worth ko saka hindi ko deserve yung bare minimum.”

Humirit naman ng biro si Vice: “Bare minimum! Grabe, hindi mo deserve ang bare minimum? E, ang Bear Brand, deserve mo ba ang Bear Brand? E, si Bearwin Meily?”

news.abs-cbn.com

Kaya naman ay nagtawanan sina Vhong at Ogie hanggang sa hindi nakapagpigil si Vice ay nahagip ng camera ang pagdi-dirty finger niya kay Vhong. Kahit si Vice ay nagulat din sa nagawa niya ng mapansin din niya ang sarili na nakunan siya ng camera. Humingi naman ng paumanhin ang komedyante bago matapos ang episode. 

Tila suking suki na ang It’s Showtime lalo na si Vice Ganda sa mga hindi inaasahang pangyayari at patunay nga na live ang kanilang programa. Tulad na lang ng sagutan nila Vice Ganda at Tado. At ang awkwardness nila Vice at guest hurado na si Cherrie Gil.

📸 pinterest.ph 

Samantala, excited daw si Vhong sa pagbabalik ng madlang pipol sa kanilang live audience. Hindi pa naman nabanggit kung kailan ito. Pero malapit na raw.