Isang ginang nagsauli ng 2.7 milyon pesos

Isang ginang nagsauli ng 2.7 milyon pesos

Sa panahon ngayon na masasabi natin na pangunahing kailangan ng tao ay ang salapi. Dahil sa salapi makukuha natin ang basic needs natin tulad ng pagkain, damit at bahay. Kahit saan naman siguro tayo lilingon ay tanging free taste na lamang ang libre sa ngayon. Kaya naman nagsulputan ang mga nagpapautang dahil marami naman talaga ang kakagat nito sa tindi ng pangangailangan. 

Screencap/GMA 7

Subalit ibahin natin ang isang ginang ng La Trinidad, Benguet. Kinilala si Alice Baguitan dahil sa kanyang kabutihang loob. Nang minsan siya ay kumain sa isang fast food chain, nakasabay niya ang isang babae. May nakausap ito sa cellphone na tila emergency, sa pagmamadali nito ay naiwan niya ang bag na nilagay ng babae sa tabi ng kanyang paanan. Nang mapansin niya ang bag ng babae ay hinabol niya ito at narinig naman niya ito mula sa kausap sa cellphone na papunta ito sa bus terminal kaya doon nagpunta si Baguitan. 

Screencap/GMA 7

Nang masauli niya ito ay agad siyang niyakap ng babae at binigyan ng reward. Ngunit hindi niya iyon tinanggap. Dati na rin pala ay nagsauli din siya ng mahigit 500 libo. Pinapasa-Diyos na lamang daw ni Baguitan ang anumang biyaya mula sa kanyang ginawa. Sa katunayan hindi daw niya alam na 2.7 milyon pala ang laman ng bag na sinauli. 

Screencap/GMA 7

Kahanga-hanga ngunit sigurado naman na may iilan na nanghihinayang. Kumbaga pera na naging bato pa. Ito marahil ang naiisip ng ilan sa atin. Ngunit para kay Alice Baguitan pinapaubaya na lamang niya sa Diyos kong may sukli man ang kanyang ginawa sa pangalawang pagkakataon. Nakakatuwa naman na may tao pa na kagaya ni Baguitan na mas iniisip ang kapakanan ng nawalan kaysa akalaing instant swerte siya sa sandaling makapulot ng limpak-limpak na salapi. Magsilbi sanang inspirasyon si Baguitan na kahit sa kabila ng kahirapan sa buhay ay manatiling maka-Diyos at gawin dapat ang tama.