ANIM NA MAGKAKAPATID NA BABAE, PURO PULIS

ANIM NA MAGKAKAPATID NA BABAE, PURO PULIS

Ang isa sa mga nais ng ating mga magulang ay ang makapagtapos tayo ng pag-aaral.

Nais nila ito upang tayo ay magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap at ika nga nila, ang edukasyon ang isa sa mga maipapamana sa atin ng ating mga magulang.

Kung ang isang pamilya ay magkaroon ng propesyonal, labis-labis na saya ng mga magulang, paano pa kaya kapag sa isang pamilya ay anim ang napagtapos at iisa pa ang tungkulin na gagampanan.


Courtesy: Anthony Jimoga-on Photography

Sa isang bayan sa Iloilo, mayroong anim na babaeng magkakapatid na iisa lamang ang tinahak na landas.

Lahat silang babae sa pamilya ay pinili na maging pulis.

Ayon sa kanila, noong una daw, wala ni isa sa kanila na mga babae sa pamilya ang pinili na maging pulis at ang kanilang kapatid lamang na lalaki ang kumuha ng criminology.

Subalit, nag-iba ang ihip ng hangin at unang sinubukan ng kanilang panganay na pumasok sa pagpupulis at nasundan na ito ng iba pang mga babaeng kapatid.


Courtesy: Anthony Jimoga-on Photography

Ayon sa mga sumunod na nagpulis sa kanilang pamilya, nakita daw nila na maganda naman daw ang posisyon ng kanilang mga kapatid na nasa PNP at isa rin daw iyon na tumulong sa kanila upang makaahon sa hirap.

Supportado naman ng kanilang mga magulang mga anim na magkakapatid kahit pa delikad0 ang tungkulin na ginagampanan nila dahil naniniwala naman daw ang kanilang mga magulang na matatapang ang anim na babaeng magkakapatid.


Courtesy: Anthony Jimoga-on Photography

Hindi madali ang maging isang pulis lalo na kapag ikaw ay isang babae at kaligatasan mo ang nakasalalay dito. Subalit, lahat ng hirap at takot ay nawawala kapag nalaman natin na mayroon tayong pamilya na sumusuporta sa atin.

Isang napakalaking disesyon ang ginawa ang anim na magkakapatid na ito at sila ay dapat nga na bigyang pugay dahil mas pinili nila na magsilbi sa bayan at ipagpawalang bahala ang naghihintay na panganib sa kanilang trabaho.