ISANG BABAENG PULIS NAGPA-BREASTFEED SA HINDI KILALANG GUTOM NA SANGGOL

ISANG BABAENG PULIS NAGPA-BREASTFEED SA HINDI KILALANG GUTOM NA SANGGOL

Walang ina na kayang tiisin ang kaniyang anak.

Walang ina ang nais makita na umiiyak ang anak ng dahil sa gutom.

Lahat kayang gawin ng isang ina para sa kaniyang anak at kaya nitong magsakripisyo para sa kabutihan ng kaniyang minamahal.

Katangian na ng isang ina na kapag may nakitang umiiyak na sanggol, ito ay pinupuntahan kaagad at magtatanong sa kapwa ina bakit umiiyak ang bata, dahil nais nitong makatulong.

Isang inang pulis sa Quezon City ang hinangaan ng marami dahil sa kaniyang mabuting puso.

Ayon kay Lt. Jean Aguada, noong nagsasagawa sila ng clean up drive at feeding program sa Brgy.


Courtesy of philnews.ph

Old Capitol Site, Quezon City napadaan daw sila sa isang barong-barong at may narinig daw sila na malakas na iyak ng isang sanggol.

Nilapitan nila ito ay napag-alamang walang kasamang magulang ang sanggol at tanging mga batang kapatid ang kasama nito.


Courtesy: GMA News

Ang sanggol daw ay umiiyak dahil sa gutom at nang tignan ni Lt. Jean ang diaper ng bata ay puno na raw ito, kaya linisan nila ang bata.

Pagkatapos, si Lt. Jean ay nagdesisyong na magpa-breastfeed sa bata dahil siya pala ay nagpapa-breastfeed din sa kaniyang anak na 8 na buwang gulang.


Courtesy: GMA News

Ayon pa sa kay Lt. Jean, tumagal daw ang pag be-breastfeed niya sa bata ng halos 30 minuto at ito ay nagpapatunay na gutom talaga ang bata.

Walang ina na kayang tiisin ang kaniyang anak at walang ina rin na gustong makita na umiiyak at nahihirapan ang ibang bata. Ang ginawa ni Lt. Jean ay isa sa pinakamabuting ginawa ng isang ina.

Siya ay nagdesisyong tumulong sa ‘di niya kaano-ano, sa hindi niya anak. Tumulong siya dahil hindi niya nais makita na nagugutom ang isang bata na walang kasamang ina sa mga oras na iyon.