ESTUDYANTE, GUMAGAWA NG MODULE HABANG NAGTITINDA NG BALUT

ESTUDYANTE, GUMAGAWA NG MODULE HABANG NAGTITINDA NG BALUT

Marso 2020, nagsimula ang malaking pagbabago hindi lamang sa ating bansa, ngunit sa buong mundo.

Marami ang naghirap at nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya at isa pa, mayroong din itong epekto sa ating edukasyon.

Lahat ng klase simula noong nakaraang taon ay sa pamamagitan na ng internet o tinatawag na online class o di naman kaya ay modular na.

Hindi na nga madali ang mag-aral paano pa kaya kapag ito ay sinabayan mo ng pagtatrabaho.

Isang estudyante sa Victorias City, Negros Occidental ang nakunan ng litrato ng isang netizen na nag-aaral at sumasagot ng module na nakatayo, may isang maliit na ilaw, sa kaniyang padyak na mayroong mga panindang balut.

Courtesy of Vanessa Tranquilo Belonio

Maraming humanga sa katatagan at kasipagan ng batang ito dahil hindi madali ang kaniyang pinagdadaanan, hindi madali na pagsabayin ang pag-araal at paghahanap buhay.

Walang madali sa mundong ito, lalo na sa pagkamit ng mga pangarap at naging mas mahirap ito dahil sa kahirapan ng buhay ngayong pandemya.


Courtesy of Vanessa Tranquilo Belonio

Sa Sistema ng modular learning, ang mga bata o mag-aaral ay mas nahirapan dahil hindi naman lahat ay may kumpletong kagamitan at mayroong magulang na kayang tumulong sa kanila sa pag-aaral.

Bagamat hindi ganon ka madali ang pagsabayin ang pag-aaral at paghahanap buhay, nagawa parin ito ng bata dahil siya ay mayroong matayog na pangarap sa buhay.

Hindi lahat kagaya niya na kayang magtrabaho habang nag-aaral, hindi lahat kaya ang ginagawa niya.

Image by Terri Sharp from Pixabay

Siya ang larawan ng isang bata na pag-asa ng ating bayan. Siya ay nagsisipag, nag-aaral sa kalsada at sa gitna ng dilim na siya ring magdalala ng liwanag sa buhay niya sa hinaharap.