ICE CREAM VENDOR, SA DAGAT NAGLALAKO

ICE CREAM VENDOR, SA DAGAT NAGLALAKO

Lahat ng magulang ay kayang magsakripisyo para lamang sa kanilang mga anak. Lahat ay kayang gawin para lamang may ipakain sa pamilya.

Hindi alintana ng kahit sino man na magulang ang hirap ng buhay upang matustosan ang pangangailangan ng pinakamamahal na pamilya.

Kahit gaano pa kahirap o delikado ang isang trabaho, kaya itong tiisin at gawin ng isang magulang.

Sa Batangas, mayroong isang ama na nag viral sa social media dahil sa kaniyang kakaibang trabaho.

Si Randy Rosales na may tatlong anak at buntis na asawa ay naglalako ng ice cream, hindi sa kalsada ngunit sa dagat.

COURTESY PHOTO: Nesta Robert Marley

Nilalangoy lamang ni Randy kasama ang kaniyang ice-box na may mga paninda papunta sa mga bangka na mayroong turista at dito niya ito binebenta.

Hindi madali ang trabaho na ito dahil napakalayo ng nilalangoy ni Randy para lamang makabenta ng kaunti. Nakunan ng bidyo si Randy ng isang turista at inupload ito sa social media at marami ang humanga sa kasipagan niya.

Courtesy: Nesta Robert Marley

Kahit gaano pa kahirap ang buhay, hindi parin sumusuko ang ating mga magulang dahil ayaw nila na maghirap ang kanilang mga anak.

Lahat ng pagod, sakit, pawis, ay kayang tiisin ng mga magulang.


Courtesy: Nesta Robert Marley

Kaya, kahit ganon kahirap ang trabaho ni Randy, patuloy parin siyang lumalangoy papalapit sa pag-asa na makaahon sila ng kaniyang pamilya sa kahirapan.

Hindi man madali, pero hindi parin siya nagpapaanod sa hirap ng buhay dahil siya ay mayroong pamilya na naghihintay at siya ay mayroong pangarap para sa kaniyang mga anak.

For more updates, Please follow our page