ISANG LOLO NA NAGTITINDA NG GULAY, TINULONGAN NI RAFFY TULFO

ISANG LOLO NA NAGTITINDA NG GULAY, TINULONGAN NI RAFFY TULFO

Minsan, sa sobrang hirap ng buhay, pati bata o matatanda ay napipilitang mag hanap buhay upang may makain sa araw-araw.

Ang mga matatanda o senior citizen ay dapat nang nagpapahinga dahil sila ay hindi na ganon kalakas upang mag hanap buhay, subalit meron paring mga matatandang pinipilit na maghanap buhay upang may pang tustos sa pangangailangan.

Sa Raffy Tulfo in Action, mayroong isang babae na nagpadala ng litrato na nagpapakita sa isang matanda na nag bibenta ng gulay sa kalye.

Ayon sa nagpadala ng litrato kay Raffy Tulfo, parati daw niyang nakikitang nagtitinda ng sari-saring gulang ang matanda sa gilid ng kalsa at napagalaman nila na hindi pala sa kaniya ito ay pinapatinda lamang ito kaya, hindi ganon kalaki ang kita ng matanda.

Maaraw man o maulan, ang matanda ay nagtitinda parin sa kalye at ang kaniyang kinikita sa kada araw ay minsan 100 o minsan 150.


Courtesy: Raffy Tulfo in Action

Ang matandang nagtitinda ay kinilalang si Renato Olaso at siya ay walang kasama sa buhay. Si Raffy Tulfo ay nagdisesyong tulongan ito at ayon sa kaniya, ipapagamot daw nila si Renato at bibigyan ng puhunan.

Sa kanilang pag-uusap, hindi makapaniwala ang matanda sa mga tulong na ibibigay sa kaniya at siya ay umiiyak na daw.

Minsan nga naman, kahit gaano kahirap ang buhay, may mga tao talagang kagaya ni Raffy Tulfo na handang tumulong sa mga nangangailangan.

Courtesy photo: Alagang Kapatid Foundation, Inc.

Hindi kilala ni Tulfo si Renato, ngunit ito ay kaniyang tinulongan dahil karapat-dapat nga naman siyang tulongan dahil kahit gaano kahirap ang kaniyang situwasyon, pinili niya parin na maghanap buhay para lamang may kitain at pangkain.


Courtesy: Raffy Tulfo in Action

Hindi lahat ay tulad ni Renato na naghahanap buhay parin kahit nahihirapan na. Hindi rin lahat tulad ni Tulfo na tumutulong sa mga nangangailangan. Sila ay tunay na halimbawa ng isang mabuting tao na kayang magsakripisyo at tumolong sa ibang tao.