PERLAS NA NAGKAKAHALAGA NG 5-BILYON, NATAGPUAN NG MANGINGISDA

PERLAS NA NAGKAKAHALAGA NG 5-BILYON, NATAGPUAN NG MANGINGISDA

Ang Pilipinas ay ang tinaguriang Pearl of the Orient Seas. Ang ating bansa ay sagana sa mga likas na yaman.

Ang Puerto Princesa sa Palawan ay isa sa mayroong pinaka magandang tanawin at pinaka malinis na karagatan. Marami ang namamangha sa ganda ng ating kapaligiran lalo na sa Palawan at hindi lamang ito ang makikita sa Pilipinas.

Sa Puerto Princesa, Palawan na tagpuan di umano ang pinaka malaking clam pearl sa buong mundo at ito ay natagpuan ng isang mangingisda.

Ayon sa kaniya, ito daw ay nakuha nila noong sila ay muntik ng madisgrasy@ habang nangingisda dahil mayroong dumating na malakas na hangin at ulan.

Sila daw ay tumabi muna sa isang reef at nang tumahan na ang panahon, sinubukan nilang kuhanin ang kanilang angkla, subalit hindi nila ito mahatak kaya napilitang sisirin ito ng mangingisda at nakita daw nila ang malaking clamp na napag-alaman na mayroong malaking perlas sa loob.


Courtesy: First time travels

Ang ginawa lamang ng mangingisda ay tinago ito sa ilalim ng kanilang kama bilang isang souvenir o alaala sa nangyari sa kanila at ito rin daw ay parang pampaswerte na nila kapag sila ay mangingisda.

Courtesy: Trend everything. https://www.youtube.com/watch?v=OZ7nTNtLx7Y

Ito ay tinago niya ng matagal hanggang sa masunog ang kanilang bahay at ang perlas ay pinagkaloob ng mangingisda sa kaniyang Tiyahin.

Ito ay kanilang ibinalik din sa pamahalaan at napag-alaman na ito ay nagkakahalaga ng halos 5 bilyong piso. Sa kasalukuyan ang perlas ay nasa kilalang museo na sa New York.


Courtesy: Trend everything. https://www.youtube.com/watch?v=OZ7nTNtLx7Y

Ang ating bansa ay napakaraming kayang ibahagi sa mundo.

Mula sa bundok, bulkan, bukid, baybayin, at karagatan. Ang ating bansa ay maituturing nga na isang napakagandang nilikha ng maykapal at isa sa mga biyaya ay ang mga perlas na makikita sa Palawan.

Kaya, dapat ay pahalagaan natin ang mga likas na yaman ng ating bansa dahil ito ay isa sa mga maipagmamalaki natin at isa din sa makakatulong sa atin.