BATANG KARGADOR NA TINULONGAN NG ISANG VLOGGER

BATANG KARGADOR NA TINULONGAN NG ISANG VLOGGER

Napakahirap mabuhay sa mundong ito, swerte mo nalang kapag merong isang tao na kayang tumulong sa’yo. Hindi madaling makahanap ng isang tao na mapagkakatiwalaan mo, isang tao na kayang bagohin ang buhay mo.

Minsan, mapapaisip tayo kung bakit ganito kahirap ang pinagdadaanan natin at wala man lang ni isang tao na lumapit at tumulong sa atin, kahit pa ang pamilya natin.

Subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon, habang tayo ay kontento o tanggap na ang ating mga buhay at paghihirap, doon darating ang isang tao na tutulong sa atin ng buong puso.


Courtesy: Techram vlogs
Si Dave na naging kargador sa Divisoria na tinulongan ni Techram

Unang nakilala ng mga Pilipino o netizens ang isang bata na kargador sa Divisoria sa video ng isang vlogger na si Techram. Ang batang kargador ay 12-anyos, ayon sa kanya siya daw ay lumayas sa kanila dahil pinalayas siya ng kaniyang sariling ina na mayroon ng bagong kinakasama. Ang batang iyon ay si Dave, siya daw ay inampon ni Kang Martin at dahil don siya ay napadpad sa divisoria at naging kargador. Maraming puso ang napaiyak sa kwento ni Dave at ito ay unang tinulongan ni Techram hanggang sa bumuhos na ang tulong mula sa ibang tao.

Courtesy: Techram Vlogs

Si Dave ay kinupkop ni Techram dahil hindi naman ganon kaganda ang buhay ng mga umampon sa kaniya. Tinulongan din ni Techram ang mga umampon dito, hinanap ang mga magulang, at tinulongan din. Sa kasalukuyan, si Dave ay kasama parin ni Tekram, siya ay malusog na, nakakapag-aral, at nakakapag laro na walang inaalalang trabaho.


Courtesy: Techram Vlogs
Si Dave (naka long sleeve) ngayon ay kinupkop na ni Techram at ito ay nag-aaral na

Sa buhay, maraming magagandang bagay na nangyayari na ‘di natin inaasahan. Minsan ang mga taong hindi natin kadugo o kilala, sila pa ang handang tumolong at magmalasakit sa atin. Gaano man kahirap ang buhay, mayroon paring mga tao tulad ni Techram na handang mag-alay ng tulong para sa iba na walang hinihintay na kabayaran.