83 anyos na lola nanghingi ng limang piso para pambili ng almusal

83 anyos na lola nanghingi ng limang piso para pambili ng almusal

Ang ating mga magulang ang naging gabay at nagpalaki sa atin. Mayaman man o mahirap, sila ang nagtitiyaga na alagaan tayo, paaralin, bigyan ng pagkain at damit. Kaya naman kadalasan sa mga anak ay nangangarap na makabawi sa kanilang mga magulang. Naging inspirasyon nila ito upang magtagumpay sa buhay. Habang may mga magulang na kahit sobrang hirap na sa buhay ay pilit kumakayod upang mabigyan lamang ng pagkain at edukasyon ang mga anak. 

Subalit may iilang pangyayari na may mga magulang na pinapabayaan na lamang ng mga anak, sa kung ano mang dahilan ay hindi pa rin ito katanggap-tanggap. Katulad na lamang sa kwento ng isang grab driver at vlogger. Hinihingian daw sya ng limang piso ng isang matandang babae na nakilala sa pangalang Mary. Dahil nagugutom at wala pang almusal. Sobrang naawa ang grab driver na kilalang si Densyo Tambyahero. Kaya inabutan niya ito ng limang daan at isang lata ng biskwit. 

Screencap Densyo Tambyahero/youtube 

Malapit lang naman ang bahay ng matanda sa kanila kaya sinundan niya ito at nagtanong siya sa isang lalaki at napag-alaman niya na nag-iisa na lamang pala sa buhay si lola Mary. Simula nang yamao na ang kanyang asawa ay mag-isa na lamang siya dahil umalis na rin ang mga anak nito. Masasabing pinabayaan na talaga nila ang matanda. 

Maraming netizen naman ang nahabag sa sitwasyon ng matanda. Ayun sa matanda ay pinagdadasal daw niya ang mga nagbibigay tulong sa kanya. 

Screencap Densyo Tambyahero/youtube

Nakakaawa naman talaga ang kalagayan ni lola Mary. Walang dahilan na iiwan siya ng mga anak. Hindi na nila binigyan ng halaga ang kanilang ina. Sa mga kagaya ni lola Mary ay nararapat na ito’y alagaan ng husto. At ipadama sa kanya ang pagmamahal dahil mabibilang na lamang ang mga panahon niya dito sa mundo. 

Screencap Densyo Tambyahero/youtube

Ang aral sa kwentong ito ay ang pagbibigay halaga sa mga magulang natin na siyang nag-aruga at nagmahal sa atin nung tayo ay bata pa.