Isang pamilya pina layas dahil hindi nakabayad ng renta

Isang pamilya pina layas dahil hindi nakabayad ng renta


“Mga walang awa… kawawa naman po sila pina layas sa inuupahan nila dahil hindi nakabayad.. Alam naman nila p andemic at walang trabaho ang karamihan.” ayon sa post ni Nicole.

Alam naman natin na napakaraming naidulot na hindi maganda ang pandemya na nasa dalawang taon na nating hinaharap. Ilan na dyan ang nawalan ng trabaho, hanap-buhay at mawalan ng mahal sa buhay. Ginulat tayong lahat at hindi nakapaghanda. Kaya naman hindi rin maiiwasan ang biglaan na mawalan tayo kong ano man ang meron dati. 

Katulad na lamang sa ibinahagi ng isang netizen na si Nicole Ronquillo. Nagpost siya sa s0cial media tungkol sa mag-iina na bitbit ang mga kagamitan dahil diumano ay pinalayas sila sa kanilang inuupahang bahay. Nakakaawa ang sitwasyon nil dahil may pandemya pa nga ay nawalan sila ng tirahan. 

Source: Nicole Ronquillo/facebook

Sa may Southville 8A, San Isidro, Rizal nangungupahan dati ang pamilya na ngayon ay karga-karga ang mga gamit upang maghanap ng tutuluyan. Ayon pa sa kwento ni Nicole ay naging care-taker din ang pamilya noong nasa abroad ang mang-ari ng bahay. Naging taga-linis ng bahay at dumi ng mga aso nila. At ng hindi na makabayad ng renta ay pinalayas na ang mga ito. 

Source: Nicole Ronquillo/facebook

Sa kabilang banda negosyo rin ng pamilya ni Evelyn Camarao ang pinauupahan at karapatan nila na maningil. Subalit inisip din sana nila na nagsilbi din sa kanila ang mag-iina. Sana binigyan nila ito ng konsiderasyon. Lalo pa at nawalan ng trabaho ang padre de pamilya dahil sa pandemya. 

Nakakalungkot talaga ang sinapit ng mag-anak. Sana sa panahon ngayon ay mas inisip natin ang pakikipag-kapwa. Pwede naman siguro hanapan ng paraan bilang pamalit sa renta ng pamilya. Nasabi pa ni Nicole na maraming bahay daw na pinauupahan si Evelyn. 

Source: Nicole Ronquillo/facebook


Ang aral sa kwentong ito ay ang esenya ng pagbibigay sa kapwa. Lubos sanang intindihin ang sitwasyon ng pamilya sa nasabing kwento.