Lolang nagbigay ng aning gulay sa community pantry, hinangaan

Sa nakalipas na mga araw, nagsulputan sa iba’t ibang lugar ang tinatawag na community pantry.

Nagsimula ang ideya sa pangunguna ng isang residente ng Quezon City na si Ana Patricia Non.

Pinangunahana niya ang pagtatayo ng Maginhawa community pantry kung saan libreng kumuha ng pagkain ang sinumang nangangailangan at libre ding mag-donate ang sinumang may kakayahan.

Dahil sa ideyang ito, nag-alab muli ang ispiritu ng bayanihan ng mga Filipino.

At dahil sa nakitan gtagumpay ng nasabing proyekto, ginawa itong inspirasyon sa iba’t iba pang lugar sa bansa.

Parang kabute na nagsulputan ang iba’t ibang bersiyon ng communtiy pantry.

PHOTO: Facebook | Jude Acepcion

Isa na rito ang Kabisig community pantry sa may Bicutan.

Sa karatulang nakalagay sa lugar, nakasulat ang paalalang, “Tumulong mula sa puso para sa kapwa, kumuha ng sapat para sa pamilya.”

Mayroon ditong iba’t ibang pagkain gaya ng bigas, instant noodles, mga gulay, at iba pa na libre para sa lahat.

PHOTO: Facebook | Jude Acepcion

Sa Facebook post ni Jude Acepcion, ibinahagi niya ang isang nakakaantig ng puso na kwento tungkol sa nasabing community pantry.

Ayaw daw sana niyang mag-post ngunit nag-post na rin para magsilbing inspirasyon para sa lahat.

Ayoko sana gusto mag post about sa Mobile Kabisig Community Pantry ng aking mha kaibigan na may mabubuting puso kase baka mabash o ma issue lang.

Pero di ko mapigilan na gawin ang post na to upang patunayan na may mga tao parin na kahit anong hirap ay gusto parin magbigay kesa makakuha.

PHOTO: Facebook | Jude Acepcion

Pakilala ko lang si Nanay Susan Abrazaldo, may tanim sya na mga gulay sa kanyang bakuran, nakita niya kami dito sa Villamin na may Community Pantry, walang sabi sabi daladala niya ang isang basket na gulay upang ipamigay din sa nangangailangan ,??

Isa lang si Nanay na simbolo ng BAYANIHAN AT TULUNGAN. Sa gitna ng pandemya, sana di maging issue ang pagtulong natin sa iba. Mas maraming tumutulong mas marami ang matutulungan na nangangailangan! Saludo ako sayo, Nay! God bless you po.???

Kahanga-hanga nga naman na kung sino pa ang kapos sa buhay ay siya pang bukas-palad sa pagtulong din sa kapwa.

Sa comment section ng nasabing post ay pinuri ng mga netizens ang kabutihang-loob ng lola.