Acting o Gaming? — Paulo Avelino naging parte na ng isang esports streaming company

Acting o Gaming? — Paulo Avelino naging parte na ng isang esports streaming company

Ginawa nang next level ni Paulo Avelino ang kanyang pagkahilig sa gaming sa pagsama sa isang local esports streaming company.

Sa isang media conference ng LuponWXC inanunsyo ni Avelino ang kanyang partnership kasama ang local esports personality na si Nico “KuyaNic” Nazario. Ayon kay Avelino, gusto niyang tumulong sa pag-angat ng kumpanya sa mainstream market.

Para sa Kapamilya Star, may kaparehas din ang industriya ng showbiz at ang gaming community.

Photos from Paulo Aveline Facebook account

Ayon sa kanya, ang esports streaming ay pwede ring maisama sa ilalim ng entertainment industry. Dagdag pa ni Avelino, mataas ang pangarap at ekspektasyon niya para sa kanilang proyekto sa hinaharap.

I think this industry is also entertainment at the end of the day. At kung entertainment ito, parang in the future I’m sure there’s gonna be more projects, more plans, and hopefully makasama namin kayo pag nangyari yung mga iyon,” ang sabi ni Avelino.

Nang tanungin kung ano ang mas pipiliin: ang kanyang trabaho sa acting o gaming, hindi nagbigay ng tiyak na sagot ang award-winning actor. Bagkus, inamin niya na malaking parte sa kanyang buhay ang gaming.

Inilarawan naman ni Paulo Avelino na ang pagiging artista at pag-acting ay ang kanyang “calling in life” kahit hindi niya inaasahan o pinangarap na maging aktor.

I fell in love with games so parang it was always a part of me and my personality. Pero yung acting talaga sa akin, parag calling siya. Hindi ko rin naman inexpect na mag-aartista ako,

Photos from Paulo Aveline Facebook account

Siguro ano lang talaga ako sa lahat ng pinapasok ko, nao-OC ako. Gusto ko alam ko lahat, alam ko kung paano gawin,” pag-amin ni Avelino.

Ibinahagi rin ng aktor na dati na siyang sumasali sa mga gaming competitions noong siya ay nasa high school pa. May mga pagkakataon din na nananalo siya ng PHP 50,000 sa paglalaro lamang.

Kahit masaya at nag-eenjoy siya sa panonood ng mga professional gaming competitions na sinasalihan ng mga esports athletes, sinabi ni Avelino na wala siyang balak na sumali sa mga propesyonal na kumpetisyon.

Kinilala rin niya ang lubos na galing at determinasyon ng mga professional esports athletes. Dagdag pa niya, “Casual gamer na lang [ako] kasi marami rin akong trabahong ginagawa in between so whenever I get free time, gusto ko mag-relax, maglalaro na lang ako.”

Para kay Avelino, hindi na masama ang kita sa esports lalo na kung gagawin mo itong full-time job. Marami rin ang mga oportunidad pagdating sa sponsorships at deals

May be a closeup of 1 person
Photos from Paulo Avelino Facebook account

May donations naman. Namo-monetized din through sponsors or FB deals. It’s not bad regular job kung gagawin mo siyang regular job.”

Naging tapat din si Avelino sa kanyang career sa showbiz kung saan hindi laging may mga projects ang mga artista.

Alam nyo rin naman ang season namin sa pag-aartista, ngayon maraming projects, bukas wala. It’s nice also to find way of entertaining the people.”

Dagdag pa ng Kapamilya Star, isang advantage rin para sa mga celebrities ang esports dahil mayroon na silang fans mula sa kanilang acting career.

If you game or stream din kasi, double whammy yan eh. Nakakuha ka ng bagong audience, plus yung mga fans na gusto kang panoorin at sumusuporta sayo.”